May 24, 2025
It’s Confirmed! Judy Ann Santos is pregnant with her second child
Home Page Slider Latest Articles

It’s Confirmed! Judy Ann Santos is pregnant with her second child

Jun 10, 2015

By PSR News Bureau

Positibong kinumpirma ng ‘Eat Bulaga’ mainstay na si Ryan Agoncillo na buntis nang muli ang kanyang kabiyak na si Judy Ann Santos-Agoncillo kanina sa pananghaliang palabas sa telebisyon. Proud na proud pa nga si Ryan na ipinakita sa mga manonood ang isang ultrasound result kung saan makikita ang larawan ng kanilang ikalawang baby at pangatlong anak nila (may ampon silang isa bago sila nagkaroon ng tunay na anak).

Ryan-Agoncillo-child-600x900

Kaugnay nito’y nag-post naman kaninang umaga si Judy Ann sa kaniyang Instagram account kung saan may salitang “positive” at may kasamang ‘smiley.’ Inulan ng maraming pagbati ang mag-asawa mula sa kanilang mga tagasubaybay. Matagal ng hinihintay ng mag-asawa na masundan ang kanilang anak na si Lucho para may makalaro na ito.

Mula sa Phippine Showbiz Republic (PSR), congratulations Ryan and Judy Ann!

Leave a comment

Leave a Reply