
Congressman Sherwin Gachalian plans to run for the senate in 2016 election
Mukhang maayos naman ang hiwalayan nila ni Pauleen Luna at Cong. Win Gatchalian. Walang nakitang bitterness ang Philippine Showbiz Republkic (PSR.ph) sa kanya nang matanong namin si Pauleen. In fact, nang tanungin siya kung dadalo ba siya kapag naimbitahan siya sa kasal nina Pauleen at Vic Sotto, pupunta raw siya.
Tinanong din kung kumusta ang lovelife niya ngayon pagkatapos ng relasyon nila ni Pauleen Luna.
Inamin nitong zero pa rin ang lovelife niya. “Ayan nga ang malaking problema eh yang lovelife. Nagpapasalamat naman ako kasi marami ang sumusuporta sa atin. Doon ako humuhugot ng inspirasyon para gumawa pa ng mas maraming magagandang bagay,” tumatawa niyang pahayag sa inihandang dinner ng kaibigan niyang si Atty. Ferdinand Topacio.
“Wala pa nga akong natatagpuan sa ngayon. Siguro nga hindi pa tayo biniyayaan ng Diyos sa aspetong iyan. Malay natin, one day darating din sa atin yan. Basta sa akin, importante ang chemistry. Mahalaga ang magandang samahan ninyo. Pero kasi sa trabahong ito napakahirap dahil marami tayong ginagawa palagi. Unfair naman sa babae kung wala akong magiging panahon para sa kanya. So ang hinahanap natin ay yung babaeng makakaintindi sa dami ng ginagawa natin,” dagdag pa niya.
Marami din daw siyang crush na taga-showbiz. “Sa showbiz, matagal ko ng kaibigan at ang crush si Iza Calzado. Mabait siya at talented. Yung isa ko pang showbiz crush ay si Liza Soberano. Maganda siya pero bata pa, hindi ko pa siya nakikilala pero gusto ko rin siyang ma-meet someday,” deklara pa ng simpatikong Congressman. Nasa listahan din ng crushes niya si Maja Salvador. Willing daw siyang ma-meet ito. May nag-alok pa nga na reporter na sasamahan niya si Cong. Win na manood ng ‘ASAP’ para ipakilala kay Maja.
Nag-declare na si Cong. Win na tatakbo siya sa 2016 election sa senado under NPC. Isa sa gusto nitong tutukan ay ang edukasyon dahil naniniwala siya na ang edukasyon ang matibay na panlaban sa kahirapan. Sabi naman ni Atty. Topacio, mapili siya sa mga ini-endorse niya sa mga kakandidatong senador sa 2016 election pero open siya sa pagsuporta kay Cong. Win. Maganda ang track record ni Win bilang mayor ng Valenzuela at ngayon ay Congressman. Kahit ang kanyang pamilya ay may nagagawa sa mga kababayan natin na hindi na ipinapaalam sa publiko.
Gaya na lang ng ama ni Cong. Win na si William Gatchalian na siyang dahilan kung bakit nakaligtas sa kamatayan ang ating kababayan noon na si Sarah Balabagan.
Actually, walang nakakaalam nito kung hindi ang isang Pinoy journalist na naka-base sa Middle East noong mga panahong iyon. Siya [William Gachalian] ang nagbigay ng blood money para sa kalayaan ni Sarah. Ayaw ng matandang Gatchalian na malaman ito ng publiko at maging si Win at mga kapatid pero dapat ding bigyan ng appreciation ang ganitong mga bagay. Mayaman ang pamilya Gatchalian . Sila lang naman ang nagmamay-ari ng mga malalaking negosyo sa ating bansa.