
“I consider Julia Montes as my greatest “treasure” in the showbiz industry–Coco Martin
Aminado ang Hari ng Primetime na si Coco Martin na espesyal ang turing niya sa Kapamilya actress na si Julia Montes, na muli niyang makakatambal sa pinakabagong “Wansapanataym” summer special na pinamagatang “Yamishita’s Treasures” na kasisimula lamang nitong Linggo (Marso 22).
“Sa dami na ng mga nakasama kong artista sa iba’t ibang proyekto, si Julia talaga ‘yung masasabi ko na mayroon akong pinakamalalim na samahan,” ani Coco. “Isa siya sa pinakamahalagang maituturing kong treasure dito sa showbiz dahil hindi ko lang siya basta katrabaho at ka-love team, kaibigan ko siya mula pa noong hindi pa ako sikat at kasabayan ko siyang dumanas sa iba’t ibang yugto ng pagiging artista.”
Ang “Wansapanataym Presents Yamishita’s Treasures” ay iikot sa kwento ni Yami (Coco), isang treasure hunter na mapupunta sa mundo ng mga diwata, kung saan makikilala niya si Tanya (Julia). Anong treasure nga ba ang matatagpuan ni Yami sa mundo nina Tanya? Paano nila matutulungan ang isa’t isa para protektahan ito mula sa mga diwatang magnanakaw.
Makakasama rin nina Coco at Julia sa “Wansapanataym Presents Yamishita’s Treasures” ang mga premyadong aktor kabilang sina Eddie Garcia, Bing Loyzaga, Angel Aquino, Noni Buencamino, Arron Villaflor, Ryan Bang, Marlan Flores, at Alonzo Muhlach. Ito ay sa ilalim ng panulat ni Noreen Capili at Joel Mercado, at direksyon ni Avel Sunpongco. Ang “Wansapanataym Presents Yamishita’s Treasures” ay bahagi ng magical summer campaign ng Dreamscape Entertainment Television.
Huwag palampasin ang adventure nina Coco at Julia sa “Wansapanataym Presents Yamishita’s Treasures” tuwing Linggo, sa ganap na alas-6:45 ng gabi pagkatapos ng “Goin’ Bulilit” sa ABS-CBN.
Follow me…
Mary Rose G. Antazo
@maryroseantazo
/balot9