May 24, 2025
Controversial M. Butterfly is back this September
Latest Articles

Controversial M. Butterfly is back this September

Jul 28, 2018

Muling ibabalik sa entablado after 28 years ang pinakamagarbo at kontrobersyal na theater production, ang Tony Award winning play na M Butterfly, na isang classic masterpiece drama.

Ito ay muling pangungunahan ni RS Francisco, na nagwaging Best Actor sa Sinag Mayanila, Star Awards For Movies, at Subic Bay International Film Festvial, dahil sa mahusay niyang pagganap sa “BhoyIntsik.”

Muli niyang gagampanan ang role na Song Liling, isang Chinese opera singer.

Ang M Butterfly ay sinulat ng Tony Award winner for Best Play na si David Henry Hwang, at inihahatid ng Tony and Grammy award-winning producer na si Jett Tolentino at Frontrow Entertainment ni RS.

18 years old si RS nang isadula noong May 1990 ang M Butterfly sa Dulaang UP, kapareha ang veteran actor, writer at critic, na si Bhen Cervantes.

Naging matagumpay ang nasabing play na nakarating din sa iba’t-ibang lugar sa Luzon, Visayas at Mindanao, at lumikha ng kasaysayan sa Philippine theater.

Sa pagbabalik ng M. Butterfly ngayong taon, mas pinalaki at pinaganda ito. Bukod kay RS, makakasama rito sina Oliver Borten, isang French actor na gaganap bilang Rene Gallimard, ex French diplomat na magkakaroon ng relasyon kay Song Liling, Theater actress Pinky Amador, Scotish Norm McLeod, ang mister ni Pokwang na si Lee O’Brian, Theater actress-producer Rebecca Chusunsu at Aliw Awardee Maya Encila. Kasama rin sa cast ang mga gaganap na Kurugo na sina John Paul Ortenero, Pheit Lena Ballug, Kay Megan Kierulf, Aira Jay Igarta, Ullyses Basa at Rica Nepomuceno.

fb_img_1532738831363

Ang M Butterfly ay mapapanood na simula September 13 hanggang September 30 sa Maybank Performing Arts Theater, BGC Arts Center, Bonifacio Global City.

Ang tickets ay mabibili sa Ticketworld (8919999).

Para sa iba pang detalye, kontakin lang si Isha Germentil sa 09176233834.

Ang kikitain ng M Butterfly ay mapupunta sa 14 beneficiaries kabilang na ang Hope For Change, Love Yourself  Foundation, Teach for the Philippines at iba pa.

Leave a comment