May 23, 2025
Controversial Snapchat video of Jasmine Curtis and Erwan Heusaff goes viral
Home Page Slider Latest Articles

Controversial Snapchat video of Jasmine Curtis and Erwan Heusaff goes viral

Jan 26, 2016

by PSR News Bureau

erwan-heussaff-kissing-jasmine-curtis-snapchat-video

Matapos mag-upload ng Snapchat video nila ni Erwan Heusaff sa Snapchat ni Jasmine Curtis na kuha noong selebrasyon nila ng kaarawan nang una ay kaagad naging viral ang nasabing video. Pinagtaasan ng kilay at nakatawag ng atensiyon ng nakararami ang nasbaing video ni Jasmine. Marami ang nakapag-share ng naturang video sa iba’t-ibang social networking sites. Makikita sa naturang video ang larawan ni Erwan na hubad ang damit pang-itaas nito at sadyang napakalapit kay Jasmine habang hinalikan ang nakababatang kapatid ng girlfriend niyang si Anne Curtis-Smith.

Lumikha ng ingay at kontrobersiya ang nasabing video at pinagtatalunan ito ng mga netizens. Kaagad din naman binura ang naturang post ni Jasmine. Pero nakuha rin nito umano ang atensiyon ng kanyang Ate Anne. May post din umano kasi si Anne sa kanyang Facebook account kung saan sinabi nitong

 Anne FB (1)“It’s your birthday dude, but that’s my sister. Bye.”

Marami tuloy ang nagtataka kung bakit ganun na lang ka-komportable si Jasmine kay Erwan. Kung tutuusin, sa pananaw ng Philippine Showbiz Republic (PSR.ph), wala naming masama ang pagiging close nila Erwan at Jasmine. Pwede kasing ganun lang talaga sila ka-sweet sa isa’t-isa na parang magkapatid lang lalo pa’t ang girlfriend ni Erwan ay ang ate ni Jasmine. Sa palagay namin, wala naming malisya ang paghalik sa pisngi ni Erwan kay Jasmine.

Ang masamang naidulot nitong post ni Jasmine ay ang patuloy na pamba-bash sa kanya ng ilang netizens na sinasabing kaya naman daw pala hindi nag-work ang relasyon nito kay Sam Concepcion dati ay dahil ‘playgirl’ din pala umano ito.

Kayo, ano sa palagay ninyo? May malisya kaya ang naturang halik at nagselos nga kaya si Anne sa sariling kapatid niya?

Leave a comment

Leave a Reply