May 23, 2025
Cristine Reyes and Ali Khatibi marry in Balesin Island
Home Page Slider Latest Articles

Cristine Reyes and Ali Khatibi marry in Balesin Island

Jan 28, 2016

by PSR News Bureau

Cristine Reyes and Ali Khatibi3

Kung mayroong mga couple na naghihiwalay ng landas sa showbiz, masaya naman kaming ibalita sa inyo na mayroon din naman nagpapakasal gaya na lang nina Cristine Reyes at ang mixed-martial arts champ na si Ali Khatibi. Ilang buwan pagkatapos nga na mangapanganak ni Cristine sa anak nila ni Ali, tinupad nga nito ang pangakong pakakasalan siya. Nangyari ang intimate na Christian wedding sa isla ng Balesin [kung saan tila nauuso na ikasal ang mga kilalang personalidad sa showbiz sa pangunguna ni Heart Evangelista at Chiz Escudero noong nakaraang taon]. Bagamat simple lang ang kasal ni Cristine at pili lang ang mga bisita na binubuo ng ilang malalapit na kaibigan nito gaya na lang ni Cat Ilacad, mababanaag mo ang kaligayahan sa bawat ngiti ni Cristine.

Walang masyadong makeup ang bride nang lumakad ito sa aisle habang naghihintay ang makisig na si Ali sa kanya. Pero lutang pa rin ang natural na ganda ni Cristine sa kanyang simpleng putting traje de boda na mayroon pang pabilog na bulaklaking tiara na nakapatong sa kanyang ulo. Sa harap ng pastor sa piling ng ilang malalapit na kaibigan at kamaganak, nagsumpaan sila na mamahalin nila ang isa’t-isa ng panghabangbuhay. Larawan ng isang masayang bride si Cristine. Tapos na nga ang mga araw ng pagrerebelde nito sa dahil ngayon hindi na siya mag-iisa na harapin ang bawat pagsubok ng buhay.

Cristine Reyes and Ali Khatibi1Sa pagkakakilala ng Philippine Showbiz Republic (PSR.ph) kay Cristine, ito naman talaga ang gusto niya, ang magkaroon ng isang masayang pamilya at magkaroon ng anak dahil sadyang mahilig ang sexy actress sa bata. Pansin lang ng iba na pagkatapos nitong makapanganak ay kaagad nang nag-desisyon nitong bumalik sa showbiz. In fact, pati ang mister niya ngayong si Ali Khatibi ay papasukin na rin ang mundo ng showbiz. Tulad ni Cristine, nasa pangangalaga rin si Ali ng Viva management kaya’t ang unang proyekto nito ay sa Viva Sports.

Hindi rin daw problema kay Ali kung magpaseksi pa rin si Cristine kahit may asawa na ito. Kaya naman hindi na daw nagdalawang-isip pa si Cristine na tanggapin ang kanyang Cristine Reyes and Ali Khatibi2ginagampanang papel sa “Tubig at Langis” ng ABS-CBN. “Very supportive si Ali sa career ko. Siyempre, nakilala naman niya ako nang artista na ako, so he understands that everything is just part of my job,” kuwento ni Cristine nang makapanayam siya ng Philippine Showbiz Republic (PSR.ph). “But of course, dahil may asawa na ako ngayon, it all depends pa rin on the role if I’m willing to go sexy or not. I have to consider din naman my husband kahit pa sabihin na very understanding siya sa ginagawa ko. In the same manner na pag siya naman yung may mga eksenang kakailanganin ng ‘intimacy’ between other artists, he’d also ask for my opinion,” dagdag pa niya.

Mukhang dahil sa pagiging isang ina at sa pag-aasawa, malaki ang naitulong ng mga ito upang mas maging mature si Cristine.

Mula sa Philippine Showbiz Republic (PSR.ph), our best wishes and congratulations Cristine and Ali! Mabuhay ang bagong kasal!

Leave a comment

Leave a Reply