
‘Culion’ brings John LLoyd Cruz back; Shandii Bacolod hopes to get MMFF spot
Naging kontrobersyal noon ang pelikulang “Oro” na iprinudyus at idinirehe ng tandem nina Shandii Bacolod at Alvin Yapan na naging kalahok sa 2017 Metro Manila Film Festival.
Umani ito ng batikos hindi lang sa netizens kundi sa cause-oriented groups kasama na ang PAWS dahil sa kaso ng pagpatay ng mga aso o dogslaughter na makatotohanang naipakita sa pelikula.
Katunayan, tinanggalan din ito ng FPJ Memorial Award for Excellence dahil sa umano’y paglabag nito sa animal welfare law.
Gayunpaman, aminado naman ang producer nitong si Shandii na naging traumatic para sa kanya bilang producer ang naging karanasan niya noon.
Dagdag pa niya, marami raw siyang natutunan sa kanyang naging ordeal pero hindi raw naman naing dahilan ito apra mawalan siya ng loob na patuloy na magprodyus at makapaghatid ng mga matatapang at makabuluhang pelikula tulad ng MMFF hopeful na Culion.
Sa Culion, muling nagbabalik ang subok na tambalan nina Bacolod at Yapan.
Ang Culion ay isang period movie tungkol sa kuwento ng tatlong babae na may ketong na pinagbuklod ng kanilang mga karanasan sa buhay noong panahong ang nasabing sakit ay pinandidirihan.
Higit sa kuwento ng pakikibaka, kuwento rin ito ng pag-asa, tapang at kakayahang magmahal at magsakripisyo ng mga taong sinubok ng tadhana.
Mula sa panulat ni Ricky Lee, tampok dito ang tatlong pinakakamagagaling na aktres sa bansa: sina Iza Calzado, Jasmine Curtis-Smith at Meryll Soriano. Kasama rin sa cast sina Joem Bascon, Mike Liwag, Suzette Ranillo at marami pang iba.
Ito rin ang comeback vehicle ng magaling at multi-awarded actor na si John Lloyd Cruz na may special participation sa pelikula.
Ayon pa kay Shandii, hindi naman siya nahirapang kumbinsihin ang actor na sumali sa proyekto dahil nakatrabaho na niya ito sa isang short film tungkol sa Martial Law na siya rin mismo ang nag-prodyus.
“Meron na kaming work relationship as a producer. He’s also friends with so many of the cast and our assistant director. Hindi kami nahirapan to talk to him because of the people around,” paliwanag niya.
Tungkol naman sa tanong ko kung gaano kalaki ang exposure ng actor sa naturang pelikula, ito ang kanyang ibinahagi.
“I can only say two things about his role, One, he plays a very important role in the film and number two, his role is connected to Meryll Soriano. For now ‘yun pa lang ang puwede sabihin,” ani Shandii.
Ang 2019 MMFF hopeful na Culion na iprinudyus ng iOptions Ventures Corp at Team MSB.