
Daiana Menezes hosts a new reality show with a unique and exciting twist
Balik hosting ang Brazilian beauty pero pusong Pinoy na si Daiana Menezes sa “The Fiercest of Them All”, ang pinakabagong reality show ng Overall Productions na malapit nang mapanood sa GMA News, Marso 5, 9PM.
“I love hosting and I’m happy to be back to do what I enjoy most. I love the challenge na naa-amaze at naso-sorpresa ka dahil you are put on the spot, na hindi mo alam ang mangyayari sa iyo at sa contestants,” ani Daiana.
Nakapag-host na si Daiana sa Eat Bulaga sa Siyete. Naging co-host na rin siya sa Kapamilya Deal or No Deal sa Dos at HAPPinas Happy Hour sa Singko pero mas excited siya sa kakaibang concept ng “The Fiercest of Them All”.
“It’s not a franchise but an original Pinoy concept from Overall Productions . It’s not a beauty contest or a pageant. It’s all about iyong kabaliwaan at katalinuhan noong mga female models na nagcocompete. Hindi rin siya modelling. Hindi rin siya based sa ganda kundi sa lakas. It’s a test of character nila at kung sino ang magsu-survive sa mga challenges,“ paliwanag niya.
Kuwento pa niya, ang mga contestants ay nag-audition at pumasa sa rigid screenings na isinagawa ng creative at production team.
“There’s this international feel also kasi iyong mga contestants come from various countries just like the contestants from international beauty pageants,” tsika niya.
Tungkol naman sa hiwalayan nila ng kanyang ex na nauwi sa diborsyo, walang pinagsisisihan si Daiana.
“I don’t blame him. I don’t want to be bitter. Nakapag-move on na ako. Noong nagkahiwalay kami, na-realize ko na we were not meant for each other. After that, everything fall in its place. Lahat bumalik, iyong mga endorsements, projects, TV show tapos may movie pa ako,” pagbibida niya.
Idinenay din niya na ginamit siya o pinagkakuwartahan ng kanyang ex tulad nang natsismis noon.
“Siyempre, may mga bagay naman tayong ginagawa o binibigay out of love. Kapag mahal ko ang isang tao, I’ll do everything for him. I can even buy him a house. Pero I guess, I am wiser now. Maybe ang only regret ko noon was it took me so long na mauntog pero what I am now as a person is a product of the lessons I have learned as a person,” pagtatapos niya.
Bukod sa kanyang show, may gagawing international movie si Daiana kung saan nakatakdang i-showcase ang kanyang acting prowess.