May 24, 2025
Dan Fernandez denies producing movie intended for MMFF
Latest Articles Rodelistic

Dan Fernandez denies producing movie intended for MMFF

Aug 12, 2018

Ganado at halatang inspired si Sta Rosa Laguna Mayor Dan Fernandez nang datnan namin sa first shooting day ng pelikulang “Hawa” na intended for Metro Manila Film Festival 2018.

After ng “Honor Thy Father,” muli na namang umarte sa higanteng telon ang actor-politician.

“At last, umaarte na naman tayo. Na-miss ko rin ito. Tagal na rin kasi, e. After ng “Honor Thy Father” with John Lloyd Cruz ngayon lang uli.”

Ang “Hawa” ay isang zombie movie na siguradong ma-aksyon din ang pelikula dahil bukod sa kanya na kinilala ring action star ay kasama sa pelikula ang martial artist na si Brandon Vera. Ayon kay Mayor Dan, sobrang bait daw ng Fil-Am actor.

Ngayon pa lang ay iniintriga na si Dan dahil posible raw na siya ang nangapital o producer ng pelikula. Pero pinagdiinan agad niya na siya ay artista lamang sa naturang pelikula.

“Hindi ako producer. Artista lang talaga ako,” pagdidiin niya.

Wala pang nabanggit ang butihing Mayor sa iba pang mga artistang kasama sa pelikula.

received_1791805124199314

Basta ang masasabi niya ay siguradong magugustuhan ng mga tao ang “Hawa” na kakaiba raw sa mga zombie movies na naipalabas na.

Kahit magiging abala siya sa shooting ng pelikula, sinigurado ng aktor na hindi maaapektuhan ang trabaho niya bilang public servant dahil ang magiging shooting naman niya ay sa gabi kukunan.

Ang buong maghapon niya siyempre ay nakalaan sa serbisyo publiko bilang Mayor ng Sta Rosa, Laguna.

Leave a comment