May 24, 2025
Daniel Matsunaga finally admits relationship with Erich Gonzales
Latest Articles

Daniel Matsunaga finally admits relationship with Erich Gonzales

Jun 4, 2015

by PSR News Bureau

daniel 03 Matapos ang matagal na pananahimik sa isyu na sila’y nagkakamabutihan na, sa wakas ay tinuldukan na rin ni Daniel Matsunaga ang mga espekulasyon tungkol sa kanila ni Erich Gonzales. Inamin na nga ng guwapong Pinoy Big Brother grand winner na may relasyon na sila ng magandang Kapamilya actress. Ginawa ni Daniel ang pag-amin na ito sa ‘Kapamilya Deal or No Deal’ kung saan naglaro ang aktor na kasama si Erich nitong nakaraang Miyerkules, June 3.

“She’s my girlfriend now,” ani Daniel habang nakayapos si Erich sa kanya na ayon sa maraming nakapanood ay tipong parang may aagaw kay Daniel mula kay Erich kung makahawak daw sa nobyo ang aktres.

daniel 01Sina Daniel at Erich ang guest players ni Luis Manzano noong hapon na iyon. Kaagad na napansin ni Luis ang pagkakahawak ng kamay ng dalawang celebrity players kaya’t nagbiro agad ito: “Pare, parang ayaw ninyong bitawan ang isa’t-isa no?”

Sabay naman ang tugon ng magnobyo: “Malamig kasi, malamig.” (Tinutukoy nila na malamig daw sa loob ng studio).

Nang matanong sila kung paano sila nagkakilala, sinabi ni Erich na nagkakilala sila sa Kris TV noong gawin nila yung Palawan episode. Mula doon ay na-discover nilang dalawa that they share the same interests. Lalo pa silang naging close nang magkatrabaho ang dalawa sa teleseryeng ‘Two Wives’ kung saan mas lumalim ang kanilang samahan.

From then on, palagi na silang nagpo-post sa kanilang Instagram accounts na may hashtag na #spartanbaby. At dito na nagsalita at napaamin ni Luis si Daniel, na nobya na nga nito si Erich.

Leave a comment

Leave a Reply