
Daniel Padilla and Kathryn Bernardo wins as Best Foreign Actress and Actor in Vietnam’s Face of the Year Awards 2015
by PSR News Bureau
May dahilan na naman para matuwa ang fans ng Teen King at Teen Queen na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Inihayag ng pamunuan ng Star Magic na nahirang ang dalawa bilang Best Foreign Actress and Actor para sa Vietnam’s Face of the Year Awards 2015. Kaya naman sobrang proud na proud ang mga taga-Kapamilya.
“We’re really very happy with these twin victories. Kasi hindi naman namin ito ine-expect eh. A simple nomination is enough, but we’re so blessed to be given these awards,” bulalas ni Kathryn. “Mas ma-encourage kami to work harder ni DJ [Daniel] dahil dito.”
“Magandang regalo ito para sa amin nitong Pasko,” sabi naman ni Daniel. “Mas magpupursige kami na magtrabaho ng mas mabuti dahil sa mga awards gaya nito at nagpapasalamat kami sa walang sawang pagsuporta ng KathNiel sa aming dalawa. Pati na yung mga sumusubaybay sa ‘Pangako Sa’Yo’ gabi-gabi. Alay namin sa inyo ni Kathryn ang mga pagkilalang ito.”
Mula sa amin sa Philippine Showbiz Republic (PSR.ph), congratulations Daniel and Kathryn!