May 22, 2025
Daniel Padilla encourages KathNiels to apologize to Vice for the latter has no hand in editing GGV episode
Movies

Daniel Padilla encourages KathNiels to apologize to Vice for the latter has no hand in editing GGV episode

Mar 11, 2015

Rommel_Placente
by Rommel Placente

Humingi ng paumanhin si Daniel Padilla kay Vice Ganda pagkatapos itong i-bash ng mga fan nila ni Kathry Bernardo dahil sa tingin ng mga ito ay maiksi lang ibinigay na exposure sa kanila nang mag-guest sila sa ‘Gandang Gabi Vice’ para sa promo ng kanilang latest movie, ang ‘Crazy Beautiful You’.  Nanawagan din si Daniel sa supporters nila ni Kathryn na humingi rin ang mga ito ng sorry kay Vice.

Daniel-Padilla2Siyempre gusto naming humingi ng pasensya kay Vice at nangyari ‘yun. Pero ako lang, ayaw ko gawin ‘yun kay Vice, kahit ako never kong maiisip ‘yun kay Vice so tayong mga Kathniels ay mag-sorry tayo dahil hindi naman siya ‘yung may hawak nong editing eh,” sabi ni Daniel.

Dagdag niya, ”Sumusuporta nga siya sa amin eh so ganon talaga, okay lang ‘yun guys, mag-sorry kayo kay Vice.”

Samantala, ang ‘Crazy Beautiful’ ay kumita na ng 225 million sa mga oras na ito. Kaya naman sobrang nagpapasalamat si Daniel sa lahat ng tumangkilik ng kanilang pelikula mula sa Star Cinema.

“Super saya naming lahat, worth it lahat ng mga pinaghirapan namin at masaya kami sa mga naririnig na feedback na alam mo’ yun na tulungan namin sila at napasaya namin sila sa napanood nila,”

Isa sa sinasabing feedbacks ni Daniel ay ang papuri sa kanya ng mga nakapanood ng kanilang pelikula dahil sa husay na ipimalas niya rito na hindi lang siya basta nag-drama kundi nagpatawa rin. May mga eksena kasi sa pelikula na nagko-comedy si Daniel na hindi pilit ang dating.

Crazy 0b

“Kasi ‘yung character ko, ako yun kaya siguro medyo naging komportable ako don sa karakter at tsaka na feel namin eh, sa location na-feel namin na kung sino kami talaga,” paliwanag pa ni Daniel.

Follow me…

social networkingRommel Placente
@rommelplacente
/rommelplacente

Leave a comment

Leave a Reply