May 23, 2025
Daniel Padilla and Kathryn Bernardo were not allowed to see the original ‘Pangako Sa’yo’ TV series
Latest Articles This is it!

Daniel Padilla and Kathryn Bernardo were not allowed to see the original ‘Pangako Sa’yo’ TV series

May 25, 2015

Rommel_Placente
by Rommel Placente

Daniel Padilla and Kathryn Bernardo were not allowed to see the original ‘Pangako Sa’yo’ TV series

safe_imageAyon kay Dado Lumibao, isa sa mga directors ng bagong serye ng ABS-CBN 2, ang remake ng ‘Pangako Sa ‘Yo’ (PSY) na bida ang loveteam nina Daniel Padilla at ­Kathryn Bernardo, hindi raw nila pinayagan na mapanood ng dalawa ang original na version ng ‘Pangako Sa ‘Yo’ bago nila sinimulan ang taping ng remake ng nasabing teleserye. Nag-discuss lang daw sila ng pinakabuod ng kuwento at nagpaliwanag kung paano ang magiging atake ng mga ito sa ang kanilang karakter, pati ‘yung mga pagbabagong gagawin nila sa ‘PSY’.

Ayon naman kay Kathryn, mga 4 years old lang daw siya noon, pero naaalala niya na nanonood ng ‘PSY’ nina Jericho-Kristine ang buong family niya. Kaya nu’ng sinabi niya raw sa mga ito na ire-remake nila ito ni Daniel ay na-excite ang buong pamilya niya.
Sabi naman ni DJ, nasusulyapan niya noon ang ‘PSY’ dahil pinapanood ito sa bahay nila, pero hindi niya pa ito naiintindihan dahil paslit pa lang siya noon. Hindi niya akalain na sila pala ni Kath ang gaganap na Angelo at Yna ng bagong henerasyon kaya very happy daw silang dalawa.

[divider]

Paul Salas found a loveteam in Mika Dela Cruz

B_vfr0PU0AAn4LXMay ka-loveteam na si Paul Salas, si Mika dela Cruz. Sila ang magkatambal sa bagong serye ng ABS-CBN 2 na ‘Will Never Say Goodbye,’ kung saan gaganap dito si Paul bilang anak nina Dawn Zulueta at Richard Gomez. Bagay sina Paul at Mika, isang mestiza at mestizo. Siguradong magki-click ang loveteam nila.

[divider]
Producer Joed Serrano uplifts bikini open via ‘Bnaked: The Elite Super Model Quest’

10933819_10205192223716998_5933604163768701878_nGustong i-angat ng CCA Entertainment Productions Corporation at ng actor-concert producer na si Joed Serrano ang antas ng bikini open sa bansa. Kaya kakaiba ang mapapanood sa June 20 sa “Bnaked: The Elite Super Model Quest” sa Music Museum, Greenhills. Ito’y isang bikini-pageantry-fashion show na kung saan ay showdown ng mga titlero’t titlera. T-back kung t-back ang labanan. Pinakabonggang show with high tech staging, lights and sounds.May production value at element of surprise . May payanig at wild ang mga candidates na hindi basta -basta napapanood sa ibang bikini contest.
Ramdam naman ng mga candidates na hindi ‘putchu-putchu’ ang sinalihan nila dahil may class ang bawat activities na ginagawa nila. Kahit pinanindigan na nila ang titulong ‘BNAKED’ sa kanilang pictorial nandoon pa rin ‘yung art at hindi ka-cheapan.
Dito rin pumapasok ‘yung health conscious ng ‘BNAKED’ na ‘Be Fit, Be Sexy, Be Free, Be Wealthy, Be Famous…B Naked the truth of being healthy inside and out.’

Marami ang nagtatanong kung bakit sinubukan ni Joed ang pagpo-prodyus ng sexy shows samantalang kilala siyang producer ng mga malalaking concerts.
“Sa totoo lang, tinatanong ko rin ang sarili ko gabi-gabi kung ano itong pinasok ko. Kasi kung tawag lang ng laman, ang mahal namang tawag ng laman nito! Ha! Ha! Ha! Cash prize pa lang nila, aabot na ng P500 thousand na! Eh, I didn’t know na walang ganoong kalaking cash prize na ipinamimigay sa ganitong contest! Kaya ang dyowa ko halos masampal ako!”
“Sabi ko, try natin. Kasi sa Facebook ko nakikita ’yan! Actually, ang concept nito, showdown of all different types of underwear!” deklara ni Joed.
Hindi nag-materialize ang concept na ito hanggang makausap niya ang kanyang line producer/ movie columnist na si Roldan Castro na isa sa producer ng ‘Hataw Superbodies’ at ‘Asia Pacific Bikini Summit.’

poster_BNAKEDmusicmuseumSupposed to be ay sa May 27 na ang ‘BNAKED’ pero dahil ayaw niyang maging half baked ang una niyang venture sa ganitong sexy shows, ginawa niyang sa June 20 na ito sa Music Museum.

Sa press presentation ay parang showdown na ang nangyari at nagpatikim talaga ang mga candidates na ilantad ang kanilang kaseksihan. Nagkaroon pa ng wardrobe malfunction ang isang female candidate na ikinawindang ng mga imbitadong TV crew at press.

Anyway, bukod sa “BNAKED: The Elite Super Model Quest,” prodyus din ng CCA Entertainment ang concert ng Boyzone bukas, May 26 sa Smart Araneta at kasunod nito sa June 6 ang concert ng Pentatonix sa Araneta at June 7 sa Waterfront, Cebu. Sa June 20, wala nang urungan ang ‘BNaked’ kung saan special guests sina Boobsie Wonderland at Michael Pangilinan. It will be hosted by Carlos Agassi at Ali Forbes (2012 Bb. Pilipinas 1st runner up at host ng ‘Pinay Beauty Queen’ ng GMA News TV). It will be directed by Mac De Leon.

Leave a comment

Leave a Reply