
Daniel Padilla and Kathryn Bernardo in ‘Pangako Sa’yo’ remake
by PSR News Bureau
Tinagurian silang ‘The Philippines’ Number One Loveteam.’ Tunay na wala na ngang makapipigil pa sa tinatamasang kasikatan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Dahil nga rito, heto at sila rin ang napili ng ABS-CBN upang muling bigyang buhay ang characters nina Yna Macaspac (dating ginampanan ni Kristine Hermosa) at Angelo Buenavista (dati naman ginampanan ni Jericho Rosales) sa kauna-unahang teleserye sa Philippine television na ‘Pangako Sa’yo.’
“We’re really excited for this project. Nung ibinalita ni ‘Inang’ (Director Olive M. Lamasan) na kami ni DJ (Daniel) ang gaganap para sa remake ng ‘Pangako Sa’yo,’ sobrang hindi agad nag-sink in sa amin. But I believe this is the perfect project for both of us,” kuwento pa ni Kathryn sa Philippine Showbiz Republic (PSR) nang amin siyang makapanayam kasama ang ilang members of the press.
Sa original version ng ‘Pangako Sa’yo,’ maraming naging kissing scenes sa pagitan nina Jericho at Kristine kaya nga hindi naiwasang naging magkarelasyon ang dalawa while doing the serye. Handa ka na ba sa mga eksenang ganun?
“Hindi ko pa po alam kung may kissing scenes na kami dito sa remake ng ‘Pangako Sa’yo.’ Bahala na po sina ‘Inang,’ I trust them naman po. Hindi naman po sila magbibigay ng ganito kalaking project sa amin kung wala rin po silang tiwala na makakaya naming kung anuman ang ipagawa or hilingin sa bawa’t eksena. One thing’s for sure, ‘Pangako Sa’yo’ would be different from the roles that DJ and I used to play in our movies. Mas mature kasi siya and this will no longer be pa-tweetums roles,’ paglalahad pa ni Kathryn.
Ayon sa road manager ni Kathryn, hindi pa sigurado kung may kissing scenes ang dalawa pero for sure wala daw love scenes dahil hindi puwede sa kinaaaniban nitong Iglesia Ni Cristo. Bukod pa dito, karamihan ng fans ng KathNiel ay mga bata pa kaya’t hindi advisable na lagyan ito ng love scenes.
Kuwento naman ni Daniel, nagkausap na daw sila ni Jericho Rosales. Alam na nito na siya ang gaganap bilang bagong Angelo Buenavista. “Sobrang bait na tao ni Echo talaga. Sabi niya sa akin, ‘Congrats! Galingan mo.’ Sabi ko, ‘Sir, maraming salamat. Siyempre, ikaw ang nagsimula niyan.”
Aminado ang batang aktor na isang malaking hamon para sa kanya ang gampanan ang role na ginawa ni Jericho na kilala bilang isang mahusay na aktor. “Ah, sana. I’ll do my best na gumanda. At kung anuman ang kalalabasan, yun ako. Yun ang kaya kong gawin.”
Nakakailang taping na daw sila ni Kathryn kaya’t di pa din niya alam kung may kissing scenes sila. “Abangan na lang po natin kung meron nga,” nangingiting sabi ng batang aktor.
Pressured daw sina Kathryn at Daniel dahil alam nilang isang malaking proyekto ng ABS-CBN ang ‘Pangako Sa’yo,’ pero gagawin daw nilang pareho ang kanilang makakaya upang hindi mabigo ang mga manonood, lalo’t higit ang madaming fans na sumubaybay dito noon.
“Siyempre, hindi natin maiiwasan na ma-compare nila yung dating mga gumanap sa amin, bahagi talaga yun ng isang proyektong ni-remake. Pero as long as ginagawa naming yung makakaya naming para hindi kami mapahiya or anuman, I think wala naming rason para hindi ma-appreciate ng fans yung teleserye,” sabi ni Kathryn.
“Basta para sa amin ni Kath, madaming dapat pakaabangan sa remake ng ‘Pangako Sa’yo’ na hindi ninyo dapat palagpasin. I’m sure matutuwa ang fans lalo’t magiging mas seryoso na yung roles namin,” dagdag ni Daniel.
Tuwang-tuwa nga ang netizens dahil kahit ang simpleng pagta-topless ni Daniel ay nag-trending sa social media. Hindi ko naman naisip na may ‘magnanasa’ sa katawan ko eh,” natatawang sabi ni Daniel. “Ang awkward kaya. Hahahaha…”
Makakasama nina Daniel at Kathryn sa obra maestrang pantelebisyon ang tatlo sa pinakahinahangaang aktor sa industriya na sina Angelica Panganiban, Ian Veneracion at Jodi Santamaria sa ilalim ng direksiyon ng tatlo sa pinakamagagaling na direktor ng bansa na sina Rory Quintos, Dado Lumibao at Olivia Lamasan. Magsisimulang mapanood ang ‘Pangako ‘Sayo’ sa Lunes, May 25 sa Primetime Bida ng ABS-CBN.