
Daniel Padilla and Kathyrn Bernardo endorse Mar Roxas for President in 2016
by PSR News Bureau
Marami ang nagulat nang mag-post si Korina Sanchez sa social media ng larawan kung saan hayagang ine-endorso nina Danila Padilla at Kathyrn Bernardo ang asawa niyang si Secretary Mar Roxas. Opisyal naman na inanunsiyo na ang Teen King at Teen Queen nga ang magkasamang nag-endorso kay Secretary Mar. Naglagay pa nga ng photo caption si Korina: “#KathNiel is for Mar! Teen King and Queen Daniel Padilla and Kathryn Bernardo go for Mar Roxas for President in 2016! #DaangMatuwidPaMore”
Siyempre pa, maging ang ka-tandem ni Secretary Mar na si LP Vice Presidentiable candidate Leni Robredo, asawa ng yumaong Secretary of Local Interior and Local Government na si Secretary Jesse Robredo, ay ine-endorso na rin nina Daniel at Kathryn.
Naging usap-usapin nga sa social media kung paanong napapayag partikular si Kathryn upang i-endorso ang sinumang pulitiko lalo’t kilala ito bilang miyembro ng Iglesia Ni Cristo [INC] kung saan sinasabing mayroong laganap na tinatawag na ‘INC block voting.’ Marami tuloy ang nagtatanong kung ‘tiwalag’ na raw ba sa INC si Kathryn? Hindi pa naman kasi nagbibigay ng statement ang INC kung sino ang napipisil nila bilang maging pangulo ng bansa na kanilang planong suportahan. Bakit daw ganito kaaga ay pumayag na ang batang aktres na hayagang ipakita ang kanyang suporta kay Secretary Mar Roxas?
Marami rin ang dismayadong fans, magkano daw kaya ang natanggap ng dalawang batang artista na ito at napapayag sila na mag-endorso ng isang pulitiko?