
Darren Espanto officially part of Beautederm fam
Noong Martes ay ni-launch si Darren Espanto bilang pinakabagong ambassador ng Beautederm, na ang CEO/President nito ay si Ms. Rhea Anicoche Tan.
Ipinaliwanag ni Ms. Rhea kung bakit kinuha niyang endorser ang award-wiining singer.
”Napansin ninyo sa mga friends ko rin sa Facebook and Instagram, nag-iiba rin ako ng look at make-up. ‘di ba? Kasi kailangan pabagets din tayo ng pabagets. ‘Di ba nu’ng last time, panay mga icons, mga idols ko ang kinuha ko? Ngayon, dahil sa mga age brackets natin, 30’s up, 40’s up, nakikilala ‘yung Beautederm. It’s time naman na ipakilala ko sa mga millennials ang Beautederm, kung gaano kaganda ang ating produkto. Kaya ang naisip ko na bagay na bagay na teen-ager para sa ating brand, ay walang iba kundi ang very talented na si Mr. Darren Espanto,” sabi ni Ms. Rhea.
Pinuri pa ni Ms. Rhea si Darren,” Napakabait niya at napakagalang na bata. So napakaganda siyang maging ambassador ng aking brand. Kasi ‘yun po ‘yung gusto natin lagi. Nakikita mo sa kanya ‘yung Baautederm families natin.”
Nang marinig ang mga papuri ni Ms. Rhea ay nagpasalamat dito si Darren.
“Thank you po,” sabi ni Darren.
Nagpasalamat si Darren na bahagi na siya ng lumalaking pamilya ng Beautederm.
“I’m very happy to be part of Beautederm family, of course. Maraming-maraming salamat po sa trust na binigay ninyo po sa akin.
“And I’m very excited to meet everyone and be part of the mall shows, ‘yung mga gatherings po.
“Nakikita ko po sa kanila, we’re really like a family. Mero’n pa kaming group chat. So, para kaming isang malaking family lang po talaga sa Beautederm.”
Para sa karagdagang impormasyon sa Beautederm at mga exciting updates ukol sa brand at sa mga ambassadors nito, sundan ang @beautedermcorporation sa Instagram. I-like ang Beautederm sa Facebook, at mag-subscribe sa Beautederm sa YouTube.