
“Having my daughter is life-changing for me. Ada gave me a sense of purpose and direction.” – Mark Herras
Ikinatuwa ng Bad Boy ng Dance Floor na si Mark Herras ang pagte-trending ng kanyang mga production numbers sa variety show ng Kapuso Network na “Sunday All Stars (SAS).”
Ani Mark na Starstruck I Ultimate Male Suvivor, hindi niya raw ito ine-expect kaya talagang nagpapasalamat siya sa mga bumubuo ng “SAS”.
Inusisa naman si Mark kung may plano na ba itong tuloy-tuluyin ang pagpapaka-daring nito dahil nagpapalaki rin ito ng katawan.
“Ako naman, I’m doing this hindi para ito yung ibigay na trabaho sa akin ng GMA, na tipong paghubad-hubadin nila ako, pero I’m doing this for myself. Kasi for a couple of years, puro na lang ako paasa na magwo-work out ako,” sabi pa ng Kapuso star.
Marami nang babaeng minahal ang Starstruck I Ultimate Male Survivor na si Mark Herras. Ngunit ngayon daw, kahit na dalawang taon na itong single ay hindi pa rin nito magawang maghanap ng bagong mamahalin dahil masyado raw itong focused sa kanyang anak na si Ada.
Nang makausap si Mark, na-kuwento niya na sa guesting niya sa “Sarap Diva” with Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid, ay sinabi ni Regine na mahihirapan na itong maghanap ng bagong girlfriend dahil halatang-halata na inlove na inlove ito sa kanyang anak. Hindi naman ditto nangangamba ang Kapuso star.
Aniya, masaya siya sa kanyang buhay at career, lalo na ngayong andyan na si Ada. “Life-changing para sa akin si Ada eh. Binigyan niya ng purpose yung buhay ko, ng sense of direction. Siya (Ada) ‘yung magiging bagong kabiyak ng puso ko for a very long time,” masayang sinambit ni Mark.