June 6, 2025
Dawn Zulueta says, “I could have ended up with Richard Gomez.”
Latest Articles Movies

Dawn Zulueta says, “I could have ended up with Richard Gomez.”

Aug 3, 2015

gerry@ocampo

by Gerry Ocampo

goma 2 Kung hindi pa yata nagkasama sa pelikulang ‘The Love Affair’ sina Richard Gomez at Dawn Zulueta ay hindi pa makakalkal ang dating relasyon nila. Bakit di ito nag-push at anong dahilan ng break-up nila noong kahit super happy naman sila noong magkarelasyon pa sila.

 

Hindi naman itinanggi ni Goma (tawag kay Richard) na matagal din sila naging magkarelasyon ni Dawn at akala ay sila na nga ang magkakatuluyan. Pero dahil kapwa nasa showbiz ay hindi maitatatwa na malapit sa tukso ang kanilang kalagayan. Dahil na goma 4rin sa break-up ng nagmamahalan ang tema ng istorya ng kanilang pelikula kung saan kasama rin nila si Bea Alonzo ay natanong sila kung anong leksyon ang natutunan nila sa movie? Kung dapat bang saktan ang minahal kapag ito ay nagloko? Sa movie kasi ay nagawang magtaksil ni Dawn kay Goma for the first time magmula nang magsama sila at magkaroon ng mga anak.

Walang paligoy-ligoy at diretsahang sinabi ni Goma sa Philippine Showbiz Republic (PSR.ph) na sobrang nasaktan daw siya nang maghiwalay sila ni Dawn. Would you believe na inamin din ni Goma na iniyakan niya ang paghihiwalay nila ni Dawn? Ikinagulat ito ng actress nang marinig. Hindi raw alam ni Dawn ito dahil magmula nang maghiwalay sila ay hindi na sila nagkita at nagkausap pa. Pero bilang sagot sa tanong ay buong ningning na sinabi ni Goma na bilang lalake ay hindi raw dapat saktan ang babaeng nanakit ng damdamin. Kailangan raw na mag-move-on dahil darating din ang panahon na may tamang tao na magpapasaya din sa buhay mo.

Samantala, kahanga-hanga ang ipinakitang samahan at pagiging professional nina Dawn, Goma at Bea. Nagkakabiruan sila pero walang napipikon. May mga sundot pa sina Goma at Dawn sa isa`t-isa tungkol sa kinahinatnan ng kanilang lovelife na idinadaan na lang nila sa biro. Ayon kay Dawn kung sila raw ni Goma ang nagkatuluyan ay malamang na hindi sila love team ngayon.
Mawawala na raw yung excitement ng kanilang team up dahil masasanay na raw ang mga tao na magkasama sila kung sila ay mag-asawa na. Kung walang kiyeme ginawa nina Dawn at Goma ang maiinit nilang kissing scenes at love scenes sa ‘The Love Affair’ na walang malisya ay ganoon din ang ipinamalas ni Bea sa romansahan nila ng actor.

goma 3

Sa August 12 nakatakdang ilabas sa mga sinehan ang movie na idinirek ni Nuel Naval under Star Cinema.

Leave a comment

Leave a Reply