May 22, 2025
‘Dear Wilbert’ continues its mission to help letter senders
Latest Articles

‘Dear Wilbert’ continues its mission to help letter senders

Oct 13, 2023

A mother’s love is the fuel that enables a normal human being to do the impossible. It is the ultimate sacrifice, for she gives everything she has for her children.

Sa second episode ng Dear Wilbert FB Public Service Program entitled Walang Respetong Anak, Sinagot ang Ina, ay naantig ang puso ni Ka-Freshness.

Dahil mahal na mahal ni Sir Wilbert ang kanyang sariling ina ay nagdurugo ang kanyang puso sa sinapit ng kanyang letter sender sa kanyang anak na walang respeto at palasagot sa kanya, idagdag pa ang asawang hindi nakaka-appreciate ng kanyang sakripisyo bilang isang ina.

Binigyan ni Sir Wilbert ng words of inspiration ang naninibughong ina kasama na rin ang P10K na Gcash upang mabigyan niya ng handa ang kanyang pamilya.

“Wala naman kasing perfect family pero kapag together at nagsasama-sama ang isang pamilya, e, siguradong malalagpasan nila ang lahat ng mga challenges na kanilang haharapin.

“Ang bawat tao, e, may iba’t-ibang ugali pero siyempre, kailangan pa ring mangibabaw ang respeto sa magulang. Communication ang kailangan at sa pagbibigay ko ng P10K Gcash, pwede mong gulatin ang iyong pamilya, ang asawa mo at ang iyong mga anak at maging daan ito para ma-communicate mo sila nang maayos at ipaintindi sa kanila na ang kailangan mo, e, respeto bilang isang ina at ilaw ng tahanan,” sabi pa ni Sir Wilbert.

Ang Dear Wilbert ay isang FB public service program na mapapanood sa verified FB Page ni Wilbert Tolentino kung saan ay isinasadula ng mga aktor ang problema ng letter sender, at sa dulo ay tinutugunan naman ito at binibigyan ng solusyon ni Ka-Freshness.

Tuloy-tuloy ang pag-feature ni Sir Wilbert ng bagong istorya sa nasabing FB Public Service program na trending na ngayon sa socmed world.

Sa mga taong nais na dumulog at ihingi ang kanilang problema sa Dear Wilbert, makipag-ugnayan lang sa FB Page ni Wilbert Tolentino at sa FB admin at ilahad ang inyong istorya.

Abangan ang mga susunod pang nakalulungkot na istorya sa Dear Wilbert kung saan ay agad na magbibigay ng ayuda si Ka-Freshness kasama na rin ang kanyang words of wisdom upang patuloy nating harapin at labanan ang mga hamon sa buhay.

Leave a comment