
Deniece Cornejo’s unanticipated attendance along with Atty. Topacio at the 31st PMPC Star Awards for Movies
Nagulat ang lahat nang biglang bumungad si Deniece Cornejo kagabi, Linggo, March 8, sa The Theater ng Solaire Hotel. Kasama niyang nag-attend ng 31st PMPC Star Awards For Movies na ginanap doon ang legal counsel niyang si Atty. Ferdinand Topacio.
Naging kontrobersiyal si Deniece dahil sa isinampa nitong kasong rape laban kay Vhong Navarro. At lalo pa siyang naging sentro ng maintrigang usapin nang makulong siya sa NBI dahil sa alegasyong pagsisinungaling.
Pahayag ni Atty. Topacio nang makausap ng Philippine Showbiz Republic (PSR), “Sabi ko sa kanya, it’s about time na she comes out. Kasi, well show na wala naman kaming itinatago at katotohanan lang naman ang sinasabi namin.
“We have nothing to fear. From media or the public.”
Tuloy pa rin ba ang kaso nila laban kay Vhong?
“Yes. It’s still ongoing.”
Ano ba ang gusto nilang mangyari o kahinatnan ng laban nila?
“Well ayokong mag-comment do’n. Kasu subyudisyo siya, e.
“Of course we want the truth to come out. And kumbinsido kami na talagang wala namang guilt ang aking kliyente.
“Mukha ba siyang guilty? Tingnan n’yo naman!” natawang pabirong sabi pa ni Atty. Topacio.
Pero open kaya ang panig nila for settlement sa kaso laban kay Vhong?
“Anything is possible. Wala naman kaming isinasarang pinto.
“Like they say… open for everything, open for peace but ready for war.”
Atty. Topacio as the legal adviser of Kat Alano
Balitang si Kat Alano, humingi ng tulong sa DOJ (Department of Justice) na kahit hindi naman nito pinapangalanan, lumalabas na si Vhong Navarro diumano ang tinutukoy na nang-rape din sa kanya?
Si Atty. Topacio ay legal adviser din ni Kat.
“Wala pa. I don’t want to force her (Kat) kasi iba-iba ang reaksiyon ng iba’t ibang babae sa rape, ano?
“At si Deniece is a very strong woman.
“Si Kat from the several meetings that I had with her, talagang deeply traumatized siya. She should be ready before she faces it.
“Kasi alam naman natin ang kultura dito… may victim bashing. May bullying. So we’re getting ready for that.”
Ang nabuong ispekulasyon ng publiko, si Vhong ang tinutukoy ni Kat na inirereklamo nga nito ng rape?
“I think… well hintayin na lang natin na si Kat Alano na lang mismo ang magsabi. Ayoko naman siyang pangunahan.
“We have to respect her decision to face herself at this time.”
“It’s still ongoing. At ako pa rin ang abogado ni Claudine.”
Mahabang panahon din siyang tumatayong abogado ni Claudine sa mga kaso ng aktres laban kay Raymart Santiago. Pero kamakailan ay napapabalitang binitawan na raw niya ito?
“Hindi. Hindi.
“’Yong kaso tungkol sa maids lang ang binitawan namin. Hindi ‘yong kay Raymart.
“It’s still ongoing. At ako pa rin ang abogado ni Claudine.”
Siya rin ang lawyer ni Aljur Abrenica sa legal complaint nito against GMA 7. Kumusta na ang tungkol dito?
Totoo bang talagang babalik na sa Kapuso Network ang aktor?
“We will ano… I will give an official statement very soon at a proper time.
“Nagkita kami ni Aljur a few days ago do’n sa wake ng father ko. At nakapag-usap kami roon.
“But, a… pakihintay na lang ‘yong official statement.”
Lumabas na recently si Aljur at nag-guest ito sa Sunday All Stars.
“Oo.
“It’s all part of the plan. Kasi lagi naman naming sinasabi from the outset, e. Na we are open to settlement.
“Basta anew duly acceptable. Ayaw naman naming giyerahin ang GMA 7.
“Wala namang problema with GMA 7. It’s just some corks na… it’s all about respect.
“Kapag ni-respect naman nila si Aljur like I think they will be doing… they are already doing now. E wala namang problema to settle with them and they can be friends again.”
Ano ba ang estado ni Aljur ngayon? Happy ba ito?
“Yes. He’s very happy.
“He’s always been a performer. Nami-miss niya ang SAS and acting in fron of the camera.
“And he’s very happy. He’s at peace with himself,” panghuling nasabi ni Atty. Topacio.