May 22, 2025
Derek confirms movie with Kris; would this be another “to-be-continued” love affair?
This is it!

Derek confirms movie with Kris; would this be another “to-be-continued” love affair?

Feb 16, 2015

Rommel_Placente
by Rommel Placente

Derek_Ramsay_at_the_KC_Concepcion_Live_Concert_Press_Conference,_November_2010 Kinumpirma ni Derek Ramsay sa isang interview niya na tuloy na tuloy na ang pelikulang pagsasamahan nila ni Kris Aquino na kasama rin nila rito si Eugene Domingo. Nakipag-meeting na raw siya sa magiging direktor ng kanilang pelikula.

Ngayong magsasama sa pelikula sina Derek at Kris, siguradong lalo silang mali-link sa isa’t-isa at baka magka-developan na sila dahil magiging madalas na ang kanilang pagkikita dahil sa shooting ng kanilang pelikula, ‘di ba?

Well, abangan na lang natin kung this time ay may mamumuo nang relasyon kina Kris at Derek. Pareho naman silang single ngayon kaya walang magiging problema kung magiging sila, ‘di ba? It’s about time na makipagrelasyon na ulit si Kris at muling lumigaya. Ang huling nakarelasyon niya ay si Mayor Herbert Bautista na short-lived love affair lang ang nangyari sa kanila.
[su_divider]

imagesMercy killing is no room on the Sebastian family; Jam’s family will continue to fight and will never surrender

Hindi pinagbigyan ni Yexel Sebastian at ng kanilang mommy Maricar ang hiling ni Jam ng JaMich, na i-mercy killing na lang daw siya dahil nahihirapan na raw siya sa kanyang sakit na lung cancer na nasa stage 4 na. At kahit si Michelle Liggayo ay hindi pabor sa hiling na ‘yun ng boyfriend. Lalaban daw sila at hindi susuko.

“Kahit sino naman po ang tatanungin, ayaw natin mawala ang minamahal natin sa mundo,”sabi ni Mich.

Nung bata pa si Jam ay nakilala na namin siya dahil kaibigan namin ang kanyang kuya Yexel Madalas kami noon sa kanilang bahay sa Las Pinas. Kaya kahit paano ay naging malapit na rin siya sa amin. Ipinagdarasal namin ang kanyang paggaling.
[su_divider]

Ara-Mina-PregnantAra Mina and Patrick Meneses celebrates Valentine with a steak

Nag-text kami kay Ara Mina para tanungin siya kung paano nila ipinagdiwang ng boyfriend niyang si Mayor Patrick Meneses ang nakaraang Valentine’s Day. Ayon sa reply niya sa amin, hindi raw sila nag-date ni Mayor Patrick. Sa kanilang bahay na lang daw nila ito ipinagdiwang with their baby. Dun daw sila nag-dinner. Nagluto raw siya ng steak na paborito nila ni Mayor Patrick. Last week pa raw sila nag-dinner date. Ayaw raw kasi nilang sumabay sa maraming nag-date nung nakaraang Araw ng mga Puso.

Follow me…

social networkingRommel Placente
@rommelplacente
/rommelplacente

Leave a comment

Leave a Reply