June 9, 2025
Derek Ramsay and non-showbiz girlfriend celebrates 1st anniversary in Palawan
Faces and Places Latest Articles

Derek Ramsay and non-showbiz girlfriend celebrates 1st anniversary in Palawan

Jan 5, 2016

by PSR News Bureau

d edit 123Matagal nang hinihiling ni Derek Ramsay na makasama ang kanyang anak na si Austin at masayang-masaya ang hunk actor na kamakailan lang ay napagbigyan ang kanyang matagal nang inaasam. Natupad ang kahilingan nitong makasama ang kanyang anak. Halos kumpleto na nga ang buhay ni Derek dahil masaya ito sa piling ng kanyang pamilya at ng kanyang nobyang si Joanne Villablanca. Pero alam naman ng lahat na magiging kumpleto lang ang kaligayahan ng aktor kung pati si Austin ay kanyang makakapiling. Ilang buwan ding hindi niya ito nakikita.

Ayon kay Derek, nag-uusap sila ng ina ni Austin na sa Dubai na kasalukuyang naninirahan. Si Derek na ang bahala sa lahat-lahat ng pangangailangan ng anak basta’t magkasama lang silang mag-ama nitong Kapaskuhan. Napagkasunduan nila na hati sila sa selebrasyon, sa Dubai nagdiwang ng Pasko ang bata kapiling ang ina nito at dito naman sa Pilipinas nagdiwang ng Bagong Taon ang bata kasama si Derek.

Isinama ni Derek ang anak sa isang pribadong isla sa Palawan at doon ay masaya silang  derek edirnakapag-bonding ng anak kasama ang nobyang si Joanne. Sa unang pagkakataon ay nagpakatotoo rin si Derek. Inamin din nito na unang anibersaryo nila bilang magkarelasyon ni Joanne. Sa Palawan nila piniling mag-celebrate ng kanilang anniversary kasama si Austin. Napakasaya ng pagpasok ng 2016 para kay Derek dahil ang dalawang pinakamalapit sa kanyang puso ay kanyang kasakasama sa pagpasok ng taon.

May mga naghihintay ring proyekto para kay Derek kabilang na ang gagawin nitong serye kung saan makakasama nito sina Claudine Barretto at Diether Ocampo na handog ng Viva Entertainment at TV 5 para sa “Bakit Manipis ang Ulap.”

Leave a comment

Leave a Reply