May 23, 2025
Derek Ramsay says Shaina is full of surprises
Latest Articles Movies

Derek Ramsay says Shaina is full of surprises

May 7, 2016

Screen Shot 2016-05-03 at 9_33_20 AMFirst time makatrabaho ng award-winning actor na si Derek Ramsay si Shaina Magdayao.

Naging posible ito sa kanilang pagsasama sa pelikulang “My Candidate”, isang napapanahong

pelikula tungkol sa pulitika at pag-ibig.

Itong pelikula mong “My Candidate” ay balik-tambalan sana ninyo ni Jennylyn Mercado

pagkatapos ng matagumpay ninyong team-up sa “English Only Please” kung saan pareho kayo

nanalo ng acting awards. Ano’ng masasabi mo na napunta ang role ng love interest mo kay

Shaina ?

“It was actually originally like that, but wala namang kaso kung si Shaina ang gumawa noon

dahil may gagawin kaming “English Only Part 2” ni Jennylyn. I’m glad also that it also opened

new doors for us. Si Jennylyn ay nakagawa na ng pelikula sa Star Cinema at ako naman, have the

opportunity to work with somebody that I haven’t worked with before like Shaina and Iza

(Calzado). Si Iza, matagal nang may in-offer na projects sa aming dalawa and I’m happy kasi

natuloy na rin ang aming pagsasama sa pelikula”,paliwanag ni Derek.

Sa dalawang leading ladies mo, may common denominator ba sina Jennylyn at Shaina?

“They’re both very different but just as talented. Shaina has been doing this since she’s a little

kid. Ang hirap to keep that passion alive and I admire her for that. She’s very passionate sa work

niya”,aniya.

Unexpected noon na magiging successful ang tambalan ninyo ni Jennylyn noon sa “English Only

Please” and yet naging festival blockbuster pa ito kung saan nanalo ka rin ng award. Do you

expect the same thing na mangyari sa tambalan ninyo ni Shaina?

“There’s a lot of factors kasi to consider for that. Siyempre, malaki ang nagagawa ng good

script, great actors at good director. Mas masarap ang feeling pag nakukuha mo ang mga

accomplishments na ganoon because people are doubting you na akala mo’y hindi posible pero

posible pala and I believe, everyone has done a good job here especially Shaina”, esplika niya.

Ex mo si Angelica Panganiban, na ex ngayon ni John Lloyd Cruz na dating ex ni Shaina. Hindi

mo ba na-imagine na para lang kayong nag-change partners lang at nag-rigodon?

“No. Hindi. Never naming pinag-usapan iyan sa set”, paglilinaw niya.

Tungkol naman sa shows mo sa TV 5, ano ang mga forthcoming projects mo?

“I still have 2 years sa contract ko with TV 5. We’re supposed to start “Tough and Rough” pero

nagkaroon siya ng konting delay”.
You were quoted as saying na ayaw mo nang gumawa ng mga superhero roles before. Ganoon

pa rin ba ang stand mo ngayon?

“Ayoko na talagang gumawa ng super hero pero I have to qualify that, kung hindi si Kidlat.

Kung ibabalik siya, I will do it. I was offered to do Panday pero in fairness to TV5, pangit

namang tingnan na two superheroes ang gampanan ko lalo na’t identified ako as Kidlat”, deklara

niya.

Papel ng isang congressman na kulang sa karisma ang role ni Derek sa “My Candidate”.

Huhubugin siya ng isang communications expert na ginagampanan ni Shaina para ma-enhance

ang kanyang ‘people skills’ at maging ideal candidate para senador.

Bilang paghahanda sa kanyang role bilang isang pulitiko, pinanood ni Derek ang mga

presidentiables na kumakandidato sa eleksyon para mag-obserba pero wala raw naman siyang

kinopya o naging peg sa pagganap sa kanyang papel.

Dagdag pa niya, gumawa siya ng sariling character sketch ni Sonny Suarez sa kanyang utak.

Bukod kay Shaina, kasama rin dito ni Derek sina Iza Calzado, Nico Antonio, Tirso Cruz III,

Ketchup Eusebio, Ricci Chan, Jay Ignacio, Jay Gonzaga, Jun Sabayton, Christine Babao, Happy

Fereran at marami pang iba.

Mapapanood sa Mayo 11 sa lahat ng sinehan sa buong bansa, ang “My Candidate” na iprinudyus

ng Quantum Films, MJM Productions, Tuko Film Production at Buchi Boy Films ay mula sa

direksyon ng magaling na director na si Quark Henares (“Keka”, “Rakenrol”).

Leave a comment

Leave a Reply