May 22, 2025
Derrick Monasterio is leaving GMA?
Latest Articles This is it!

Derrick Monasterio is leaving GMA?

Oct 13, 2017

Nag-text kami kay Manny Vallester, ang tumatayong personal manager ni Derrick Monasterio para tanungin siya kung totoo ‘yung mga lumalabas na balita na diumano’y aalis na sa pangangalaga ng GMA 7 si Derrick para lumipat sa PPL Entertainment ni Perry Lansigan.

At ang sagot ni Manny, wala raw itong katotohanan, mananatili raw sa Kapuso Network si Derrick. In fact, kapipirma lang daw nito ng kontrata sa Syete. So there!

***************

poster

Sa Linggo, sa ganap na alas dos ng hapon, gaganapin sa Ali Mall Activity Center, Araneta Cubao ang Grand Coronation ng Jeanette Hankinson Search For Calendar Girl 2018.

Na ang labing-dalawang mga batang babae na mananalo/mapipili rito ang siyang mapapasama sa 2018 Calendar ng nasabing damit pambabae para sa mga bata.

Ang magsisilbing host ng event ay si Papa Tolits ng V81 Radio.

Special performers dito sina Moira Lacambra ng Ivory Music, MJ Magno na member ng boy band na To The Top, ang dalawang commercial models at singer na sina Rollo Espinosa at Patrick Alvarez at Jeanette Hankinson Teens. Guest judge sa event si Jin Stewart, ang tinanghal na Mr. World Canada 2014.

Ang Grand Coronation ng Jeanette Hankinson ay sa pakikipagtulungan ng  Sweetbooms Pastillas, V8 1 Radio, Lokallens Magazine, Ricky Reyes Learning Institute, Water More, JLU  Nature’s Depot  at Ali Mall Araneta Center.

Leave a comment