May 22, 2025
Faces and Places Latest Articles

Derrick Monasterio ready to show his lean and muscled body at Cosmo Bachelor Bash

Sep 4, 2015

roldan@castro
By Roldan Castro

Derrick-Monasterio-bakatFirst time na rarampa ngayong September 5 ang GMA Artist na si Derrick Monasterio sa Cosmopolitan Carnival 2015 na gaganapin sa SM Mall of Asia Concert Grounds.
“This is really an honor for me and I’m proud that all my hard work has paid off. I’m thankful that Summit Media and Cosmo Magazine have chosen me to be part of this,” deklara ng young actor.
Ano ang pasabog niya sa Cosmo Bachelor Bash?

“Gusto ko sana sumayaw, ala-Magic Mic,” sabi niya. “Oo sana pero kailangan pang pakuluan. Ha!ha!ha!Ang tigas eh,” dagdag pa niya na tumatawa. “Pero inaral ko siya, sana ma-appreaciate ninyo po,” sambit pa niya.

Kaya ba niya ang ginawa dati ni Enrique Gil sa Cosmo na nagpakita ng pisngi ng butt o ni Alden Richards na nagbuhos ng oil at ibinaba ng konti ang suot sa ibaba?
“Ganito po kasi ‘yan, hindi mo kailangang magpasilip para maging hot. Kahit nga naka-sando lang kaya ko silang talbugan,eh,” bulalas niya na may halong pagbibiro.

Dereck-Monasteryo-01So anong ipapasilip mo?

“Kaluluwa ko po. My soul,” aniya na sinabayan na naman ng tawa.
Samantala, tinanong din si Derrick kung totoong papasok siya sa kalyeserye ng Aldub bilang ka-love triangle nila.
“Actually, sa totoo lang, gusto ko po sana,” reaksyon niya.

Pero pinayuhan siya ng entertainment press na ‘wag na lang dahil baka maging negative siya at ma-bash ng mga fans. Hindi makakatulong sa kanya.

Ano ang feeling niya sa kasikatang tinatamasa ni Alden Richards ngayon? Kung tutuusin ay mas nauna siyang nag-artista kay Alden. Nainggit ba siya?

“Grabe..Ha!ha!ha!Hindi po nainggit. Masaya lang. Siyempre, ‘made’ na siya kumbaga, kailangan na ng GMA ng bagong ipu-push na iba. So happy ako kasi open na ‘yung slot. Ganoon ang mentality ko,” tugon niya.

May nakaplano raw silang serye ni Bea Binene para sa November. Tinatapos niya ngayon ang kanyang solo album sa GMA Records. Derrick has also recorded the voice for Steve Armstrong para sa Voltes V series na ipapalabas ng GMA 7. Nag-aaral din ngayon si Derrick at freshman siya sa isang private college.

Leave a comment

Leave a Reply