
Derrick Monasterio remains loyal with home network GMA 7
by Rommel Placente
Maraming nagsasabi na kung lilipat si Derrick Monasterio sa ABS-CBN 2
ay posibleng sumikat na siya o marating niya na ang tugatog ng
tagumpay. Siguradong ibi-build-up daw siya nang husto ng Kapamilya
network dahil sa kanyang talent sa pag-arte at angking kagwapuhan.
Pero ayon kay Derrick, wala siyang balak lumipat ng ibang network.
Mananatili raw siyang loyal sa Kapuso network. At naniniwala raw siya
na darating din ang kanyang panahon.
“Okay lang naman sakin. Kasi yung ibang artista, after ten years, saka
sila nabigyan ng chance or break. Pana-panahon lang po,”sabi ni
Derrick sa Philippine Showbiz Republic (PSR.ph) na bida sa indie film
na “Babaylan: Silip sa Nakaraan.”
Dagdag niya, “Feel ko talaga magiging sikat ako sa GMA kasi konti na
lang kami dito. I mean, sino na lang ba kami, yung mga teens dati?
Kasi po yung iba nagsisitandaan na, yung mga roles nila, iba na. May
tiwala naman ako sa network, may contract po ako sa kanila.”
O ayan sa mga bosses ng GMA 7, loyal sa inyo si Derrick kaya sana ay
hindi ninyo siya pabayaan at laging bigyan ng project. Di ba my
friend, Manny Vallester?
[divider]
Lovi Poe’s mom not in favour of Rocco Nacino
Hindi na kami nagulat nang mabalitaan namin na break na sina Lovi
Poe at Rocco Nacino. Hindi naman kasi boto ang mommy ni Lovi kay
Rocco. Yun siguro ang dahilan ng break-up ng dalawa.
[divider]
The Big One: All Star Concert for the benefit of the Philippine National Red Cross
Sa November 27, 8:00pm gaganapin ang The Big One: All Star Concert
sa Ynares Sports Arena. Ito’y produced ng Philippine Red Cross-
Rizal Chapter, at presented ng The Aqueous Events Management. Ang
proceeds ng naturang konsiyerto ay mapupunta sa Disaster-
Preparedness Programs at Capacity-Building Initiatives ng Philippine
Red Cross-Rizal Capter. Ito ay isang paraan ng PRC para pantulong sa
mga kapwa Pinoy na makaka-encounter ng human challenges tulad ng
bagyo, lindol, at iba pang sakuna.
Ang magiging performers sa concert ay Erik Santos, Richard Poon,
Daryl Ong, Markki Stroem, Arron Villaflor, Richard Juan, Mikee
Agustin, Suy Galvez, Moira Dela Torres, Upgrade, Bassilyo, Zendee
Tenerefe, Monterozo Twins, Yexel Sebastian, Liezel Garcia, Gail
Glanco-Viduya, Brenan Espartinez at marami pang iba. Mabibili ang
ticket sa SM Tickets outlets nationwide o tumawag sa 4702222.