May 24, 2025
Derrick Monasterio, willing to go sexy
Faces and Places

Derrick Monasterio, willing to go sexy

Sep 8, 2015

Archie liao

By Archie Liao

Tinalbugan ni Derrick ang mga kasama niyang rumampa sa Cosmopolitan Carnival na ginanap sa SM Mall of Asia noong Sabado. Marami ang napabilib sa kanyang buff na buff na dating at pati ang mga girlash at pa-girl ay hindi nagkamayaw sa pagtili sa kanyang pagrampa. Finally kasi ay naipakita na ni Derrick ang pinaghirapan niyang well-chiselled physique at well-defined abs sa naturang okasyon.
Pinaghandaan mo ba talaga itong pagrampa mo sa Cosmo Bash?

Derrick-Monasterio-bakat“Opo. Noon pa mang sinabi nila sa akin, na-excite na ako at four months bago iyong main event, nag-gym na ako ng 3 times a week. Nag-observe rin ako ng diet na walang baboy o litson. Pure veggies, isda at chicken lang,” kuwento ni Derrick sa Philippine Showbiz Republic (PSR.ph).

Isa ka sa mga pinaka-hot at pinaka-guwapong young actor ngayon. Dahil sa pagrampa at paghuhubad, confident ka ba na kaya mo nang talbugan ang mga contemporaries mo ngayon?

“Paniwala ko po. Hindi mo kailangang makipagsabayan sa iba para masabing guwapo ka, dahil ang tunay na guwapo, ugali muna ang inaayos bago ang itsura.”

Season na naman ng “Starstruck” at may mga artistang nakatakdang i-build up ang GMA-7. Hindi ka ba natatakot sa kompetisyon?

“Hindi naman po. Ako naman po hindi lang naman acting ang talent ko. I can sing and occasionally dance po,” sabi niya. “Pag alam mo naman sa sarili mo what you have to offer in terms of talent, hindi ka dapat mag-worry,” dugtong niya.

Dagdag pa ni Derrick na hindi ito tumitigil sa pag-improve ng kanyang talents. Sa katunayan nga ay nagwo-workshop siya para mag-level up at may bagong ipakita.

Ngayong rumampa ka na sa Cosmo Bash, ready ka na ba sa mature at sexy roles?
“Puwede po. Gusto ko po yung tipong Jay Manalo na may halong Tom Rodriguez,” sabi niya.
Wiling ka bang mag-frontal nudity?
“Step by step po muna tayo. One at a time. 20 years old pa lang po ako at hindi naman ako nagmamadali.”
Kasalukuyang tinatapos ni Derrick ang kanyang first solo album under GMA records. Siya rin ang nag-dub sa boses ni Steve Armstrong, isa sa mga bida ng classic Japanese anime na Voltes V na malapit nang mapanood sa GMA-7.
Huling napanood si Derrick sa isang makabuluhang episode ng “Karelasyon.”

Leave a comment

Leave a Reply