May 23, 2025
“To my detractors: What’s wrong with a gay wearing swimsuit on a beach? You’re green with envy because you can’t wear a swimsuit, you don’t have long legs to show off, and can’t afford to have a US Visa and go to Miami!” -Vice Ganda
Latest Articles

“To my detractors: What’s wrong with a gay wearing swimsuit on a beach? You’re green with envy because you can’t wear a swimsuit, you don’t have long legs to show off, and can’t afford to have a US Visa and go to Miami!” -Vice Ganda

Apr 20, 2015

by Mary Rose G. Antazo

After mag-live show ni Vice Ganda sa noontime program niyang Showtime noong Biyernes, April 17 ay pinaunlakan niya ang imbistasyon ng kanyang first cousin na si Ms. Russel Viceral Levashov na owner ng NUtopia Barber and Spa sa Salcedo Village, Makati City para sa ribbon cutting. Actually, first anniversary ito ng business ng kanyang pinsan at very supportive naman siya dito kaya pinilit niyang maisingit ito sa kanyang very busy schedule. Espesyal sa kanya si Ms. Russel dahil isa raw ito sa mga ‘baby’ at inalagaan niya noong hindi pa siya nagso-showbiz. Magkapatid ang kanilang father kaya ganoon na lamang sila ka-close sa isa’t isa. Kuya Tutoy pa rin ang tawag nila kay Vice hanggang ngayon.

Sabi pa ng may-ari ng NUtopia, sobrang proud ang kanilang pamilya sa achievements ni Vice at hindi raw talaga ito nagbago kahit pa nga mayroon na itong malaking pangalan sa showbiz industry.
Malaking honor din daw sa kanila na maging special guest si Vice sa event na ito. Nangako rin si Vice na all out ang kanyang support para sa business ng kanyang isa sa pinakamamahal na kamag-anak.

Samantala, after ng ribbon cutting ay agad nang nagpaunlak ng interview si Vice sa mga press na naimbitahan kabilang na nga ang Philippine Showbiz Republic (PSR.ph). And as always, game niyang sinagot ang mga issues sa kanya ngayon. Kababalik lang nito from US kung saan nag-spend siya ng kanyang birthday, nagkaroon ng series of shows Golden Goose plus of course sinabay na rin nito ang kanyang short vacation.

“Masaya ako kasi nakapagbakasyon ako sa Amerika, nakapag-lamyerda at nakapagwala-wala ako doon,” unang chika ni Vice sa amin.

Naging kontrobersyal ang kanyang mga ‘swimsuit’ photos na lumabas sa mga social media accounts gaya ng Facebook at Instagram.

Para silang mga baliw, nagugulat pa talaga sila. Anong nakakagulat sa baklang naka-swimsuit? Saka sa beach naman. Maloka sila kung sa simbahan ako nag-swimsuit, parang mga baliw! Sabi ko naiinggit lang sila dahil hindi nila kayang mag-swimsuit at hindi nila kayang magpunta sa Miami, wala silang Visa at saka hindi sila long-legged,” sabay tawa ni Vice habang chumi-chika.

Sumunod na issue na inusisa namin ay ang sinasabing away daw nila ngayon ng Queen of All Media na si Kris Aquino. May misunderstanding daw sila ngayon dahil sa issue ng “T-Shirt” at ‘yung idea to come up with a blog/website. Ano ba ang katotohanan dito?

Wala, nakakatawa talaga, nalaman ko nga ‘yan noong nasa Amerika pa ako. Alam mo, hindi namin alam kung kaninong addict nanggaling ‘yan. Hashtag ko nga dyan #shabupamore. Hindi ko alam kung ano ang intensiyon ng mga tao, pero nakakadiri lang. Ang tanda-tanda namin para mag-away sa T-shirt. Ano kami, mga bata? We share everything. Kris and I, we share everything,” sagot pa ni Vice.

Tungkol naman sa minor accident na kinasangkutan ni Kris at ng anak nitong si Bimby, isa raw siya sa labis na ‘na-stress’ dito. Ito rin ‘yung araw kung saan ay parating siya galing ng Amerika at nakatakda pa sana siyang sunduin ni Kris at Bimby sa airport para sorpresahin.

Na-stress talaga ako nung malaman ko ‘yung accident, agad kong tinawagan si Kris pero cannot be reached nga.
Kaya na-stress ako, lalo na nakita ko yung picture ni Bimby na nakasimangot, akala ko talaga na-hurt nang bongga. Tinatawagan ko, hindi ko sila makontak, kaya tinext ko na lang.”
Sabi ko, ‘I’m so worried. Text me back ‘pag puwede nang tumawag.’ Umagang-umaga nag-text na si Kris, tapos tinawagan ko na siya.”

“Si Bimby kasi, lagi kaming nagpe-Face Time nung nasa Amerika ako,” kuwento pa nito.

Sa kasalukuyan ay nasa Singapore ang mag-inang Kris at Bimby para i-celebrate doon ang birthday ng bagets at gusto nga raw sundan ito para sorpresahin pero nabuking na ang kanyang idea.

Sabi raw sa kanya ni Kris, huwag nang sumunod kundi samahan na lang daw si Bimby sa concert ni Alex Gonzaga.

Sagot naman niya, paano ko sasamahan eh baka nga mag-surprise guest ako doon sa concert pero hindi pa nga lang confirmed,” dagdag pa ni Vice.

Next issue na itinanong namin ay ‘yung tungkol naman sa ‘pambubuking’ ng kanyang kaibigan na si Coco Martin nang mag-guest ito sa GGV (Gandang Gabi Vice) kung saan ay nagpahaging ito tungkol sa kanyang dyowa ngayon. Ang nagustuhan daw niya sa pagkatao ni Coco ay ang pagiging sincere nito sa kanilang friendship kaya walang katotohanan na meron silang away.

Wala kaming away ni Coco, pang-asar lang talaga ‘yun. Lagi naman kaming ganoon ni Coco eh. Honestly, tama ‘yung description, pero maling tao ‘yung napin-point kaya nakakatawa talaga. Ayoko nang pag-usapan ang lovelife, nakaka-teenstar,” pag-awat pa ni Vice sa topic.

Meanwhile, hiningan din namin ng komento si Vice tungkol sa ginawang pag-ober da bakod ng kaibigan niyang si Ms. AiAi delas Alas sa bakuran ng GMA 7.

Congratulations, siyempre lahat kami may trabaho, masaya, di ba? Saka kahit saan naman siyang channel magpunta siya pa rin ang Comedy Queen, walang mababago doon, bitbit niya ang korona niya.

Sa tingin mo ba hindi nakapanghihinayang na mahigit 15 years siyang naging Kapamilya at ngayon nga ay Kapuso na si Ai Ai?

I cannot speak for her kasi hindi ko naman alam ang kuwento sa naging desisyon niya sa paglipat eh. Ang sa akin lang masaya ako kasi lahat kami may trabaho, may career, lahat kami kumikita. Everybody happy. ” sabi pa ni Vice.

Saka I really love Ai Ai. Friends kami, constant ang communication namin. Close kami at saka lahat sine-share niya sa akin. Sa lovelife lang naman kami pumapalpak.

Nang matanong naman si Vice kung sa tingin niya ay may posibilidad ding mangyari sa kanya ang ginawa ni Ai Ai, sa future, lumipat din kaya siya?

Hindi naman natin alam ang mangyayari bukas. Paano kung magsara itong ABS, wala kaming lahat trabaho, doon lang kami sa labas maghihintay. Doon na lang tayo sa praktikal, wala kaming ibang choice kundi lumipat ng ibang channel di ba? Pero sa ngayon, nananatili ang loyalty ko sa ABS-CBN. Masayang-masaya ako sa career ko dito,” chika pa ni Vice.

May mako-comment naman ba siya sa issue ngayon kay Kris at AiAi. Former friend, roommate, kapitbahay na lang daw ang dalawa ngayon?

Ayokong dumawdaw, kasi di ba may mga issue na lalong lumalaki dahil ang daming nagko-comment. Hindi nasasaran, hindi nabibigyang solusyon ang mga bagay kasi ang daming nagbibigay ng opinyon. It’s between the two of them. Kayang-kaya nila ‘yan. Matatanda na sila. Siyempre, bilang kaibigan silang pareho gusto mong magkaayos ang dalawa.

Happy ako kung tatlo kaming sabay-sabay na rumarampa. Pero kung hindi uubra bakit natin ipipilit. Hindi rin naman silang magiging maluwag o masaya kung kapag pinilit ang friendship. Ang maganda, masaya sila pare-pareho,” pangwakas na chika ni Vice.

Leave a comment