
Dianne Medina loves her new show ‘LWYD’ on GMA News TV
Nagsimula nang umere nung March 24 ang bagong lifestyle business program sa GMA News TV titled “Loving What You Do,” Linggo, 9:30 am. Bongga ang show dahil ang charming na si Dianne Medina ang host ng show.
Maraming mapupulot na tips sa pagsisimula ng sariling business o kahit ano mang interest mo o nais mong ma-achieve. Di ba, may kasabihan nga na kapag ginawa mo ang mga bagay na gusto mong gawin, nagiging easy ito at parang hindi ka nagtratrabaho.
Ipapakita sa LWYD ang kwento ng mga successful people na nagsimula sa pagiging mahirap hanggang sa marating ang katas ng tagumpay. Ipapakita rin dito ang iba’t ibang business, kwento ng happiness, health and weath, at iba pang magagandang bagay na maghihikayat sa mga tao na gawin ang mga bagay na love nila.
LWYD promotes a Lifestyle Business. It means designing your own source under your own pace and time while doing something that you actually love.
Aim din ng show na makapagbigay ng inspirasyon sa mga taong gustong makamit ang kanilang mga goal sa buhay. Ito rin ang show para mas tulungan pa ang mga Pinoy entrepreneurs.
Dagdag pa ni Mr. Zyrus Ramos, executive producer, “Through our program, Loving What You Do, we aim to encourage Filipinos to live and work their dreams, to redefine their perspective on business and lifestyle and start living a better life.”
Bukod sa inspiring stories, may segment din para sa mga nagnanais na magkaroon ng healthy living sa pamamagitan ng Philnoni, isang alternatibong supplement.
Sa kabila ng mga problema ng bansa, magandang mayroong isang show, ang Love What You Do, na magtuturo sa atin na maging pursigido sa buhay upang magtagumpay.
“Live life to the fullest” ika nga. Kagaya ng show hosted by Dianne tuwing Linggo, 9:30 am, mahalagang gawin natin ang mga bagay na nagpapasaya sa atin. Talagang very helpful ang show na ito!