
”Our differences in opinion does not affect our friendship.” – Vice on Kris
by Mildred Amistad Bacud
Marami na ngang mga showbiz personalities ang nagpo-post ng kani-kanilang opinyon at reaksyon sa social media patungkol sa hindi pagsalubong ni President Noynoy Aquino sa arrival ng Fallen 44 sa Villamor Airbase last January 29. Sumagot na Kris Aquino para depensahan ang kanyang kuya. May isyung ilan sa mga artista ang in-unfollow na niya gaya ni Judy Ann Santos.
Humingi naman siya ng apology sa mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez dahil sa maling pag-tag sa kanya ng diumanong komento nila. Ang pinakamatapang na reaksyon ay galing kay Jomari Yllana kung saan tinawag niyang pinakatangang Presidente sa kasaysayan si Pnoy.
Sa gitna naman ng pinagdadaanan na ito ni Kris Aquino ay nakasuporta ang bestfriend at tinatawag niyang ‘asawa’ na si Vice Ganda. Nalulungkot daw siya sa pinagdadaanan ng TV host.
“Nag-uusap kami. Siyempre magkaibigan kami. Mabigat sa akin na mabigat ang kalooban niya kahit hindi pareho ang takbo ng isip namin, hindi kami pareho ng opinyon. Kasi marami kaming pagkakaiba ng opinyon pero iginagalang namin ang isa’t isa. Kahit hindi kami pareho ng opinyong tinatahak ngayon sinusuportahan ko siya kasi walang kaibigang gustong nasasaktan ang kaibigan.”
Pinagdarasal na lamang daw ni Vice na maging okay si Kris ang pamilya nito at maging okay na ang buong Pilipinas.
Follow me…
Mildred Bacud
@dredzbacud
/mildredamistadbacud