
Dimples Romana enjoys seeing #OhDani memes, wants to be a tourism ambassadress
Mula nang mag-viral ang memes ni Dimples Romana bilang Dani girl sa socmed, nagkaroon din ng karakter pati ang kanyang red dress, Chanel bag, luggage at accessories na kinekeri.
Katunayan, up to now, ini-enjoy ng Kadenang Ginto star ang kanyang newfound popularity.
Hirit pa nga niya, natutuwa siya dahil feel niya nagiging fashion icon na si Daniela Mondragon.
“Grabe nga siya, ang saya, di ba? Nae-enjoy ko talaga siya. Alam mo ba, sobrang daming nagpagupit ng Daniela cut. May mga YouTube channels din na nagpo-post ng makeup peg ala Daniela Mondragon and you know, ang galing lang, so I appreciate that very much.
“Si Daniela kasi, the character champions being fab all the time, na kahit na may pinagdadaanan siya, kahit feeling niya, talunan siya, na iritang-irita o inggit na inggit siya kay Romina, maganda siya palagi, so ‘yun iyon, na kahit nahihirapan tayo, we should always push for us to look good on the outside para we will feel good on the inside.
“Iyon kasi si Daniela para sa akin, ang lakas ng message na naglalakad siya, na kahit hirap siya, kahit hindi siya sanay na gawin, emerging as a fashion icon pa rin siya at dedma lang siya,” paliwanag niya.
Sa memes kung saan-saan na nakarating ang karakter niya, sakay ng kalabaw, umaakyat ng puno at kung anu-ano pa, pero ang pangarap daw talaga niya ay maging tourism ambassador.
Sey pa niya, nagpapasalamat din siya kay DOT secretary na si Bernadette Romulo-Puyat dahil wini-welcome siya nito kasama ng co-star niyang si Beauty Gonzales bilang volunteer tourism ambassador ng bansa.
“My meme #OhDani has been on local tourism sites on Facebook and online, all over the Philippines and I just feel so blessed that with my character as Daniela, many of our Filipino Kapamilyas are able to revisit and become more aware of the different beautiful places in our country.”
Proud din ang aktres na makatutulong ito sa pagbibigay ng awarenes sa mga tourism site sa bansa at pangangalaga sa kalikasan.
Samantala, mas tumitindi ang bangayan nina Daniela (Dimples) at Romina (Beauty) sa book 3 ng toprating Kapamilya teleseryeng “Kadenang Ginto.”
Puno ito ng maiinit na mga rebelasyon at matitinding mga pasabog sa salpukan ng dalawang Mondragon lalo na’t nakatakdang umikot ang kanilang kapalaran sa pagdating ng karakter ni Richard Yap na si Leon.
Mula nang umere ang serye noong Oktubre 2018, labis nang kinapitan ang kwento ng apat na mga babaeng Mondragon na nagpainit sa hapon ng mga manonood. Hindi ito kailanman natinag sa timeslot nito at nagkamit din ng all-time high national TV rating na 27.3%, ayon sa datos ng Kantar Media, na mataas para sa isang serye sa hapon.
Naging daan din ito sa pagsikat ng apat na teen stars na sina Francine Diaz, Kyle Echarri, Seth Fedelin, at Andrea Brillantes na kilala ngayon bilang The Gold Squad, na mayroong upcoming album at kamakailan ay ginawaran ng Silver Creator Award mula sa YouTube matapos umani ang channel nito ng higit sa 100,000 subscribers.
Sa kasalukuyan, mayroon na itong higit sa 500,000 subscribers.