
Dingdong Dantes is excited to know his baby’s gender
Kaugnay ng pagbubuntis ng misis niyang si Marian Rivera, mas naging maalaga raw si Dingdong Dantes sa aktres. Halos oras-oras daw kung mangumusta o mag-check ang aktor sa kundisyon nito.
“Okay naman siya. Nasa second trimester (ng pagbubuntis) na siya so normalized na ‘yung kanyang kalagayan,” masayang pahayag nga ni Dingdong nang makausap ng Philippine Showbiz Republic (PSR) pagkatapos niyang mag-guest sa Sunday All Stars noong Linggo, May 24.
“I think happy siya. Sobrang healthy naman niya.” Excited na nga raw sila pareho ni Marian dahil malapit nang malaman kung ano ang gender ng kanilang magiging baby. “Hopefully very soon. If not this week, next week siguro.”
May mga names na ba sila in mind na posibleng ipangalan nila rito?
“May mga pinaglalaruan kami nang konti. Pero siyempre ayaw pa rin naming mag-focus hangga’t hindi pa namin alam ‘yung gender.”
Ayon kay Dingdong, sa anumang patungkol sa kanilang parating na baby, laging mutual decision daw nila ni Marian.
“Lahat ay fifty-fifty. Hindi masasabing mas nangibabaw ang opinyon ni ganito kesa ni ganyan. So it’s always about a compromise.”
Mahirap ang first three months ng pagbubuntis ni Marian. Pero nakapag-adjust na raw ang aktres ngayong nasa ikalawang trimester na ang pregnancy nito.
“Oo, mas komportable na siya ngayon.”
Okay lang ba sa kanya na may mga commitments pa ring pinagkakaabalahan ngayon si Marian gaya ng mga endorsements nito, mga guestings, at pictorials?
“Oo naman. Bahagi naman ng trabaho niya na makikita pa rin siya sa labas.
Basta ang mahalaga e ‘yung safety measures ay hindi pa rin mawawala. Nandoon parati ‘yon. At palagi nating ipinaaalala ang mga ganung bagay.”
May mga preparasyon na ba silang ginagawa para sa kanilang magiging baby? Kagaya halimbawa ng pag-aayos na ng magiging nursery room nito?
“Wala pa. Pero… siguro soon,” nangiting huling nasabi ni Dingdong.