May 24, 2025
Dingdong Dantes feels honored to be able to work with Nora Aunor
Latest Articles T.V.

Dingdong Dantes feels honored to be able to work with Nora Aunor

Aug 5, 2015

oghie@ignacio
By Oghie L. Ignacio

miff 2012 winnersWalang pagsidlan ang kasiyahan si Dingdong Dantes sa napakalaking karangalang makatrabaho niya ang superstar na si Nora Aunor na magkakaroon ng special participation sa telebabad niyang “Pari Ko’y” sa GMA 7 dahil sa negosasyon at pag-uusap na naganap sa business manager ni Mama Guy na si Kuya Boy Palma at Direk Maryo J. delos Reyes na siyang nagdidirehe ng naturang drama series.

“Matagal ko nang dream ‘yan,” bungad ni Dingdong sa Philippine Showbiz Republic (PSR.ph).” “At natutuwa akong matutupad na rin ang aking ultimate dream na makasama si Ate Guy,” aniya pa. “Kasi let’s face it, not all the actors in my generation is privileged to work with her. The one & only superstar di ba? Kaya super excited na’ko na magkita kami sa taping namin at maging magka-eksena,” tuluy-tuloy pang sabi ng award winning young actor.

Dream come true talagang maituturing ni Dingdong ang napaka-pambihirang pagkakataon na makatrabaho ang legendary icon na halos lahat ng mga kabataang artista’y nagmimithi na makasama ang isang ‘La Aunor.’ Kaya masasabi ng unang isa siya sa pinakamasuwerteng young actor ng bagong henerasyon na makakatrabaho ang si Bulilit.

“Yeah! That’s true,” sagot agad niya sa Philippine Showbiz Republic (PSR.ph). “Parang hindi pa rin ako makapaniwala na ‘yung napapanood ko lang sa mga pelikula at telebisyon lalo na sa ‘Superstar Show’ noon, ay makakasama ko na ngayon. So, it’s really a great honor for me to work with Ate Guy,” katuwiran pa rin ni Dingdong.

Kung sabagay ay maging ang superstar naman mismo’y natuwa ng malamang matutuloy ang special guesting niya sa “Pari Ko’y” nga ni Dingdong lalo’t sobra ang respeto ng aktor sa kanya na sa tuwing may big event or special gatherings sa showbiz na naroon sila’y hindi nito nakakalimutan ang pagbibigay pugay at pagbati sa superstar. Kung napagbibigyan nga ni Nora ang ibang young actor at anak-anakan niya sa showbiz na maging espesyal siyang panauhin ng mga ito mapa-pelikula o programa sa telebisyon ay sino nga ba naman siya para magdamot sa nabanggit na aktor.

“Du’n ko napatunayan ang pagiging humble ni Ate Guy. Kahit napakalaki niyang artista sa industriya natin, lagi siyang open na magbigay suporta sa mga baguhang artista in this generation. Kaya hindi ako nagtataka kung bakit ganu’n na lang ang pagiging superstar niya at pagmamahal sa kanya ng masa,” pagmamalaki pa sa Philippine Showbiz Republic (PSR.ph) ng award winning actor.

“Hinding-hindi ko makakalimutan ang napakagandang pagkakataon na ito in my entire life & career na finally nagkasama na rin kami. And I’m still hopeful na sa susunod naming pagkikita ay sa isang magandang movie naman kami magkatrabaho ni Ate Guy,” nakangiti pa niyang sabi.

Biglang naalala ng aktor na minsang magtagpo ang landas nila sa isang TV Awards Night ay pinuntahan niya si Mama Guy sa dressing room nito para batiin ay nasambit niya sa huling sana’y magkasama sila sa isang magandang pelikula na agad sinagot ni Nora’ng okay lang kahit hindi siya bayaran ni Dingdong kung siya ang magpo-prodyus ng gagawin nilang obra sabay sambit agad ng huling hindi siya papayag na hindi niya bigyan ng talent fee ang superstar.

“Oo nga ‘e, nagulat ako nu’ng biruin ako nu’ng sabihin ni Ate Guy sa akin ‘yon. Pero siyempre, hindi naman puwede ‘yon at hindi makatarungan para sa kanya. Sa stature niya sa showbiz, she don’t deserve the treatment na makakababa ng pagiging superstar niya. Hin di ako papaya,” diretsahang sabi pa niya sa Philippine Showbiz Republic (PSR.ph).

Sa dami ng young actors ngayon na nakatrabaho ni Bulilit ay iisa ang sinasabi nila kapag kaeksena ang ‘La Aunor.’ May kaba sila sa kanilang dibdib lalo na kapag pinagana na ng huli ang kanyang mga mata sa eksena. Siya kaya’y (Dingdong) may nerbiyos factor din kung sakali?

“I’ll be hypocrite naman kung sasabihin kong hindi ko mararamdaman ang gano’n,” prangkang sagot nito.” “Kahit sino naman hindi maiiwasan ‘yung kabahan kapag ka-eksena mo ang isang Nora Aunor. Ang sa akin lang, sa mga naririnig ko at nababasa ako na sinasabi ng mga nakakasama niyang young actors & actresses ngayon e, napaka-supportive naman daw ni Ate Guy at kinakausap niyang mabuti ‘yung kaeksena niya para mawala ang kaba. So, I’m very sure na kahit ano’ng nerbiyos ko dahil sa pagiging supportive niya, mawawala ‘yung ganu’ng factor sa akin. Tama ‘yung lagging sinasabi niya (Nora) na dapat isinasa-puso mo ang role na ibinibigay sa’yo or ipinagkatiwala sa’yo ng direktor at scriptwriter maging natural ‘yung portrayal mo sa iyong karakter,” dagdag lahad pa sa Philippine Showbiz Republic (PSR.ph) ng guwapong aktor.

marian-rivera-dingdong-dantes-fans-stupid

Malaki na ng husto ang tiyan ang loving wife ng Primetime King na si Marian Rivera pero ang kaibahan ng tinagurian namang Primetime Queen ay mas lutang ang kagandahan nito sa kabila ng kanyang pagdadalang tao kaya lalong mahal na mahal ng aktor ang maganda pa ring aktres kung saan excited silang pareho na maging Mommy at Daddy ng kanilang panganay na anghel sa kanilang buhay.

“Lagi naman talagang beautiful ang loving wife ko. At talagang very excited na kami sa paglabas ng aming baby. “Pag dumating na ang oras na ‘yun siguro…kami na ang pinakamasayang husband & wife or loving couple sa mundo kasi binigyan kami ni Lord ng napakagandang blessing at ‘yun ang baby namin,” pagtatapos pa niya sa Philippine Showbiz Republic (PSR.ph).

Leave a comment

Leave a Reply