
Dingdong Dantes is now a proud Dad!
by Rommel Placente
Sa kanyang Instagram account ay nag-post si Dingdong Dantes ang kamay ng panganay na anak nila ni Marian Rivera na si Maria Letizia At ayon sa caption nito, sinabi niya na “miracle” para sa kanila ang pagdating sa mundo ng kanilang baby.
Sabi ni Dingdong, “Twenty-three November, 2015: The day God decided to deliver His most precious gift. This morning, I witnessed a miracle…and during that moment, I realized that my life would never be the same again. As we welcome this new graceful chapter with open hearts, we thank everyone who prayed with us through this sweet journey. Friends, say hello to our Maria Letizia. @therealmarian.”
Rocco Nacino denies having a third party and ‘stealing’ from a joint account
Sa balitang hiwalayan nina Lovi Poe at Rocco Nacino, ang ilan sa mga itinuturong dahilan ay may third party daw sa part ni Rocco. At ang paglustay daw ng aktor ng pera mula sa joint account nila ni Lovi.
Sa kanyang Instagram account, mariing pinabulaanan ni Rocco ang mga nasabing alegasyon. Sa kanyang post, sinabi ni Rocco: “Been receiving news about me stealing money from a joint account and having a third party involved in our relationship. No joint account. No third party. I have the utmost respect for Lovi. Please do respect the privacy that we both request right now. Thank you.”
Pero sa post na ito ni Rocco, sa huling mensahe niya, ay hindi niya kinumpirma o dininay kung break na nga ba sila ni Lovi o hindi pa. Basta ang hiling lang daw nila ni Lovi ay irespeto ang kanilang privacy.
Ryle Santiago is slowly but surely making a name for himself in showbiz
Isa si Ryle Santiago sa members ng all-male-group na Hashtags. Regular silang napapanood sa ‘It’s Showtime’ ng ABS-CBN 2. Among the members ng nasabing grupo, isa si Ryle sa may pinakamalakas ang dating sa fans. Gwaping naman kasi talaga siya. Si Ryle ay anak ng aktres na si Sherilyn Reyes sa una nitong asawa na si Junjun Santiago, na kapatid nina Randy, Rowell, at Raymart Santiago. Ayon sa bagets, may pressure on his part na nanggaling siya sa isang showbiz family.
“Kasi we have our name to look after, ganun, the reputation. Sabi nga ni Mama, ‘basta huwag ma-late.’ Iyon ang sabi niya, ‘Huwag ma-late, maging mabait ka.’”sabi ng gwapong bagets