May 22, 2025
Dingdong Dantes reveals Marian Rivera is pregnant
Latest Articles This is it!

Dingdong Dantes reveals Marian Rivera is pregnant

Sep 26, 2018

Sa pamamagitan ng kanyang Facebook account, sinagot ni Dingdong Dantes ang matagal nang tinatanong sa kanya ng marami, kung tatakbo siyang senador sa susunod na eleksyon, at kung buntis na ulit ang kanyang misis na si Marian Rivera.

Dito ay kinumpirma ni Dong, na masusundan na ang panganay nilang si Zia. Pero ang pagtakbo niya bilang senador ay wala sa plano niya. Narito ang FB post ni Dingdong.

“Marami ang nagtatanong kung tatakbo ako sa darating na eleksyon, at marami rin ang humihingi ng pormal na sagot.

“Ang pagkakataong maglingkod bilang Commissioner-at-Large ng National Youth Commission, at tumulong sa pamamagitan ng YesPinoy Foundation at ng YesPH Community Development, ang ilan sa mga naging inspirasyon ko upang patuloy na magsilbi sa bayan. Pero naniniwala ako na ang pagiging “public servant” ay isang mabigat na responsibilidad na dapat pinag-aaralan, pinaghahandaan at, higit sa lahat, ipinagdarasal.

“Kung gagawa ako ng malaking hakbang para sa darating na halalan, hindi lamang isang simpleng decision-making ang dapat kong pagdaanan. I should be able to discern His Will and seek guidance.

“And in the process of my discernment, I received His response in the most surprising and beautiful way. With overflowing joy, Marian and I, are happy to share with everyone that we have been blessed with another child! Natupad na rin ang matagal ng dasal naming mag-asawa, lalung-lalo na ni Zia sa kabila ng buong suportang ibibigay sa akin ni Marian, ng buong pamilya, at mga kaibigan sa anumang magiging desisyon ko sa pagsabak sa pulitika, malinaw sa akin na sa panahong ito ay kailangan kong maging buo para sa aking pamilya.

“My discernment revealed what is truly important in my life— panahon ito para suportahan ang pagdadalang-tao ng aking asawa.

“Life has presented me with two good aspirations, and I can always rationalize to weigh the pros and cons. But I know that, at this point, I am being redirected to my reason of creation— my family. My humble service to the public will continue and it could take a different form or level in the future; but first, I have to ensure that my home is protected and secured before I can take care of others.

“Sa aking pamilya at mga kaibigan, thank you for always trusting my judgement and direction. Sa lahat ng nagmamahal sa amin nina Marian at Zia, na umaasang lumaki ang aming pamilya, thank you for your prayers.

“Sa lahat nang humihikayat sa aking lumaban sa darating na eleksyon, salamat sa inyong tiwala at suporta. Ngayon, habang nag-aaral, naghahanda, at naglilingkod ako bilang isang volunteer at private citizen, umaasa akong patuloy pa rin ang ating pagtutulungan para sa ikabubuti ng ating bayan, sa anumang paraan— maliit man o malaki, may posisyon man o wala. Nawa’y ang bawat kabataang kabahagi ng aming mga adbokasiya ay patuloy ding mangarap at maglingkod sa kanilang mga pamilya, paaralan at komunidad.

“And to all my fellow Filipinos, I am with you in believing that in times of uncertainty, God’s unfailing love will always reign supreme. Thank you and I humbly request for your continued prayers of protection and good health for my family, especially on Marian’s second pregnancy.”

*************

Nililibot ngayon ng Millennial Pop Princess na si Janah Zaplan ang mga radio stations to promote her second single from Ivory Music titled “Mahal Na Kita.”

janah

Bukod pa rito, ang kanyang mga mall shows. Happy naman ang talented and beautiful young singer, dahil gaya sa una niyang single na, “Di Ko Na Kaya” ay maganda rin ang response ng mga tao, lalo na ng kanyang mga tagahanga sa “Mahal Na Kita” na available sa Apple Music, iTunes at Spotify.

Samantala, sobrang happy din si Janah sa nominasyong nakuha niya sa nagdaang 9th and 10th PMPC Star Awards For Music bilang New Female Recording Artist of the Year. Hindi man siya pinalad na nanalo, feeling niya ay winner pa rin siya dahil napansin ng lahat ng bumubuo ng nasabing award-giving body ang husay niya sa pagkanta.

Leave a comment