
Dingdong tastes new food endorsement, feels blessed with daughter’s achievements
Swak na swak si Dingdong Dantes bilang endorser ng Persian Avenue ayon sa magkapatid na Paulo at RJ Lapid. Malinis na imahe at may integridad ang pamantayan nila kaya pinili nila ang actor-tv host para mag-endorse ng kanilang produkto. Isa pa, mahilig din sa pagkain ang aktor kaya naman hindi sila nahirapan kumbinsihin ito.
Sobrang hinangaan naman ni Dingdong ang magkapatid dahil sa pagpupursige nila kasama ang sipag at tiyaga sa pagpapalaki ng kanilang negosyo. Mula kasi sa halagang 100 thousand na pinuhunan nila, ngayon ay nasa 44 branches na ang Persian Avenue na nasa 3 years na ang operation na nagsimula sa food cart sa Marquee Mall sa Angeles City, Pampanga.
Patok ang kilalang tortilla rolls restaurant sa kanilang chicken pesto wrap at beef wrap na pagkasarap-sarap. First time naming makakain ng kanilang mga produkto at talaga namang inirerekomenda namin na puwedeng alternatibo sa mga nakakasawa nang mga pagkain sa mga sandamakmak na fast food sa atin.
Samantala, tuwang-tuwa naman si Dingdong dahil sa mga magagandang blessing na dumarating sa kaniyang anak na si Zia. Bukod kasi sa kinagigiliwan siya ngayon ng maraming Pinoy ay nakuha na rin nito ang atensiyon ng ibang lahi. Sa isang Vietnamese website kasi ay napili si Zia bilang isa sa “most beautiful children” ng Asya.
Hindi lang naman ito ang gustong ma-achieve ni Dingdong ng kaniyang anak. Of course, bilang ama ay pangarap niya na lumaking marespeto at may magandang asal si Zia. Hindi naman malayong mangyari ito dahil may pagmamanahan naman ang panganay niyang anak dahil mabubuting tao naman sila ni Marian.