
Dion Ignacio sets aside love life to prioritize career; fears being jobless again
by Oghie Ignacio

pinagsamahang “Innamorata” ay mukhang may namuong relasyon sa pagitan nilang dalawa nitong huli.“Wala pa naman kami sa ganu’n ni Max,” bungad ni Dion sa amin.
“Pero masaya ‘ko dahil magkasama kami ulit ngayon dito sa bago naming palabas,” aniya pa. “Kasi sa unang show palang naming dalawa na pinagsamahan, maganda na agad ang rapport namin ‘e. Magaan siyang kasama kaya siguro mabilis ‘yung pagiging close namin sa isa’t-isa,” tuluy-tuloy na sabi pa ng mas gumuguwapong aktor.Baka ayaw lang munang aminin ni Dion kahit may “MU” o kaya’y mutual understanding na sila ni Max na nang tanungin din ng ibang movie press na naroo’y matamis na ngiti lang ang isinusukli sa mga ito.
“Sa ngayon, parang hindi pa rin ako handa sa seryosong bagay na gaya no’n. For me kasi naka-focus muna ang atensiyon ko sa aking career. Ayoko na kasing mangyari ‘yung dati na ano…matagal akong nabakante sa work. Parang ang hirap makabalik. And I’m very happy at malaking pasasalamat ko sa Kapuso dahil pinagkatiwalaan pa rin nila ako. Kaya hindi ko sisirain ‘yung tiwala nilang ‘yon,” sabi pa niya sa Philippine Showbiz Republic (psr.ph).
Maganda kasi ang pagbabalik sa limelight ni Dion last 2014 at magaan din ang pasok sa kanya ng 2015 lalo’t malaking afternoon prime na naman ang pinagbibidahan niya ito ngang “Kailan Ba Tama Ang Mali”. Hindi kaya may malaking pressure sa kanya ang nasabing palabas lalo’t malalaking pangalan din sa larangan ng telebisyon ang mga katrabaho niya bukod sa kanila nina Geof, Empress & Max nga.“Wala namang masyadong pressure sa akin.
Siguro ‘yung expectation lang ng ibang tao na…like nu’ng bumalik ako at nabigyan ng show na “Innamorata” nakakatuwa na ano… may mga nag-opinyon na kesyo nag-improve ang akting ko. So, dapat ma-maintain ko ‘yon at patunayan ko na hindi sila nagkamali sa mga sinabi nila diba? Which is… talagang I will try my very best na mas pagbutihin pa ang pag-arte ko dito sa bago naming palabas,” tuluy-tuloy na pahayag pa rin ni Dion.
Ibig din kayang sabihin ng macho’ng aktor ay wala munang puwang sa kanya ang kung anumang ugnayang nabuo sa kanila ni Max kahit pa may mga nagsasabing obvious ang special friendship sa pagitan nilang dalawa.
“Yung pagiging close namin as friends masasabi kong ganu’n lang muna talaga ang situwasyon namin ni Max for now. Mas okey nga ‘yung friends lang muna kami atleast, nagkakaintindihan kami palagi. Kasi baka kung mapunta kami agad isang seryosong relasyon at magkaroon kami ng misunderstanding ‘e, parang hindi lang ‘yung mismong relasyon naming ang mawala pati pagiging magkaibigan diba?,” malinaw na lahad pa ng guwapong si Dion.
“Yung pagiging close namin as friends masasabi kong ganu’n lang muna talaga ang situwasyon namin ni Max for now. Mas okey nga ‘yung friends lang muna kami atleast, nagkakaintindihan kami palagi. Kasi baka kung mapunta kami agad isang seryosong relasyon at magkaroon kami ng misunderstanding ‘e, parang hindi lang ‘yung mismong relasyon naming ang mawala pati pagiging magkaibigan diba?,” malinaw na lahad pa ng guwapong si Dion.
Naniniwala ba siyang mas masarap gawin ang “Mali” kung minsan kesa sa “TAMA” gaya ng karakter nilang apat sa “ Kailan Ba Tama Ang Mali” na kaabang-abang sa papasok na buwan ng Pebrero ng taong kasalukuyan. “Depende rin siguro sa situwasyon. Puwedeng case to case basis ‘e. Pero sa akin hangga’t maiiwasan mong gumawa ng mali at lagi kang nasa tama, go ahead. Importante alam mo kung ano ‘yung dapat at hindi dapat,” pagtatapos pang pahayag sa Philippine Showbiz Republic (psr.ph) ng guwapong aktor.