May 24, 2025
Director Arlyn Dela Cruz under therapy: Ilang araw akong bedridden
Latest Articles

Director Arlyn Dela Cruz under therapy: Ilang araw akong bedridden

Aug 16, 2021

Kasalukuyang nagte-therapy ang direktor na si Arlyn Dela Cruz. 

Taong 2019 ay na-stroke ang lady director, thankfully ay naka-recover naman siya kaya nga nagawa niya ang pelikulang Nang Dumating Si Joey.

“Tapos two months ago nagkaroon ako ng problema sa, hindi kasi ako kumakain sa gabi. Tapos napakain ako ng gabi, kaya parang nanibago yung tiyan ko.

“So nagsuka-suka ako, so ilang araw akong bedridden because sa pagsusuka.”

Ang resulta ng check up kay direk Arlyn ay tila namanhid muli ang mga paa niya.

“So kailangan ko ulit siyang i-therapy kasi parang bumagal ulit yung galaw ko.”

Mabuti raw at nakakabangon na siya at nakakapagsalita nang maayos.

“Kaya ngayon unti-unti ulit ako, parang step one ulit ako ng aking physical therapy. So kung ngayon aakyat ng bundok na inakyat namin sa shooting ng Nang Dumating si Joey, hindi ko kakayanin ngayon after ng nangyari na nag-regress yung physical condition ko.

“Kaya binago ko yung routine ko sa pagkain  tapos nagsisimula ulit ako ngayong mag-therapy, sa paglalakad, pati sa pagsasalita.”

Hindi naman halata na hirap siyang magsalita sa ginanap kamakailan na Zoom mediacon ng pelikula niyang Nang Dumating Si Joey na pinagbibidahan nina Allan Paule, Rash Juzen at Francis Grey.

Kasalukuyan itong available via streaming sa KTX.PH hanggang September 30. 

Isang wholesome gay drama film ang Nang Dumating si Joey; wala itong eksenang lovescene ng lalaki-sa-lalaki pero may pasabog na ipapakita sa isang eksena ang dating Eat Bulaga! Mr. Pogi finalist na si Francis.

Going back to her health condition, normal naman daw ang blood and urine test na isinagawa kay direk Arlyn.

“Kumbaga pag humiga ka, ilang araw kang hindi gumagalaw, naapektuhan ako, kumbaga naimpatso ako e, hindi ako kumakain sa gabi, tapos nung minsan, kumain ako ng gabi, natakaw ako parang nag-crave ako, kumain ako ng kare-kare.

“Tapos nung gabi na yun nagsimula na akong magsuka-suka, hindi nagustuhan ng tiyan ko yung kumain ng gabi.”

Ngayon daw ay nag-adjust siya ng five small meals a day at unti-unti raw ay bumabalik na ang lakas niya.

“Unti-unti rin, naibabalik ko yung galaw ko, kaya ngayon I have to start again kasi nga bumagal yung paglalakad ko.”

Babae si Arlyn, hindi ba siya nahirapan na magdirehe ng isang gay film?

“Hindi naman mahirap kasi hindi ako gumawa ng steamy scenes, walang halikan. Walang ganun kaya hindi ako nahirapan.

“Kumbaga ‘yung treatment ko sa pelikulang ito although LGBTQ ang tema nito, mas nag-focus ako sa relasyon ng indibidwal, nung character sa character na nakasalamuha niya.

“In this case sa main character ni Sandra [Allan] at ni Joey [Francis] kung paanong nagkrus ang kanilang landas.”

Wala mang gay lovescene sa pelikula ay tiyak na makaka-relate ang mga miyembro ng gay community sa Nang Dumating Si Joey.

Ang Nang Dumating Si Joey ay produced ng Blank Pages Productions with Kuya Bong Diacosta as Executive Producer. 

Leave a comment