June 2, 2025
Director Joyce Bernal gives her two cents on cursing talents on the set
Faces and Places Latest Articles

Director Joyce Bernal gives her two cents on cursing talents on the set

Jan 19, 2016

by PSR News Bureau

Naging mainit na usapin ang pagrereklamo ng dalawang talents laban sa batikang direktor na si Cathy Garcia-Molina na naganap sa set ng hit teleseryeng ‘Forevermore’ ng ABS-CBN. Kaugnay nito, bilang kapwa direktor, hindi naiwasang matanong din si Direk Joyce Bernal sa presscon ng pelikulang “Everything About Her” tungkol sa nasabing usapin.

Bilang direktor ba ay nakapagmumura rin siya sa set ng ginagawa niya, mapa-pelikula ito o teleserye?

url“Kapag nagmura ako, ibig sabihin sagad nay un,” tugon ni Direk Joyce.

“Siyempre kapag said na yung pasensiya mo, hindi maiwasan na makapagmura ka na. Nagpu-P.I. ako. Pero mas madalas kong sinasabi na ‘Sasapakin kita.”
Anong masasabi niya bilang isang direktor sa kinakaharap na isyu ngayon ni Direk Cathy?

“Sabi ko, ‘Sh*t, nangyari na rin sa akin iyan!,” bulalas ni Direk Joyce. “Nakapagmura ako at saka malamang…minsan, may talents ka na pulis. Minsan, akala mo talents lang sila, yun pala totoong pulis. Never assume. At saka kahit sinuman ‘yan, kahit sanay na siyang namumura, masakit pa rin kapag namura ka. Lalo na pag ganyang hindi ka sanay. Kasi nangyari na rin sakin yun nung bago-bago pa lang ako.”

“Tingin ko lahat naman halos sa industriyang ito pinagdaanan yung ganun. Nasabihan ka na rin ng masasakit na salita at nasasaktan ka bilang tao. Pero sinasabi ko agad. Madirekta kasi ako.”

“Kapag nasaktan kita, kasehodang mali ka o tama ako, nasaktan kita kaya’t magso-sorry agad ako. Pero ine-explain ko naman yun. Hindi ko na pinapatagal. Pagkatapos agad ng shoot or taping.”

Ang unsolicited advice ni Direk Joyce kay Direk Cathy, “Baka dapat magkita sila para tapos na. Pareho kaming direktor ni Direk Cathy, so I know what happened. At alam ko, nagkakamali rin ako.”

“Kapag may mga insidente na hindi talaga makuha ng talent yung gusto kong makita o yung pinapagawa ko, pinapapalitan ko.”

“Kaya kong murahin ang mgga artista, kaya kong murahin kahit sino pero mahirap sa talents kasi alam mo yung kinikita nila. Alam mong hindi naman kalakihan. Most of the time, kaya rin iyan pumapasok sa showbiz ay dahil lang sa gusto nilang makasama ang mga paborito nilang artista.”

tumblr_majwquk5G61qa232x

Ayon pa kay Direk Joyce, naging isang eye opener daw ang nangyari sa pagitan ni Direk Cathy at ang mga talents na nagreklamo. “Actually, napanood ko nay un sa pelikula ni Ate Vi na Ekstra. Nakita ko na dun yung sarili ko. Tapos ngayon, nangyari pa iyan kay Direk Cathy.”

“Hindi ko lang alam ha, pero tingin ko, para iyon sa lahat ng direktor.” Wala naman daw siyang kinakampihan pero umaayon si Direk Joyce sa sinabi ni Alvin Campomanes (ang isa sa nagreklamong talent) nasana daw ay matigil na ang maling kultura na pagmumura ng mga direktor. Aniya, pabor siya doon sa nasabing suhestiyon. “Minsan kasi, wala nang panahon para magkaroon ng proper briefing yung talents. Pagdating ng mga iyan sa set, ine-expect mo bilang direktor na lahat ready na, kukunan mo na lang yung eksena. Pero in reality, hindi naman talaga ganun.”

Pero sinabi rin ni Direk Joyce na magkaiba silang dalawa ni Direk Cathy. “Kapag galit ako, hindi ako makapagdirek. Kapag nagalit ako, kailangan kong mag-walk out. Kailangan kong umalis. Magkakape muna ako. At pagbalik ko, kailangan masaya na ako,” pagtatapos ni Direk Joyce.

Leave a comment

Leave a Reply