May 23, 2025
Director Mac Alejandre admires Shaina’s commitment: Hindi pala s’ya kumakain ng karne
Latest Articles

Director Mac Alejandre admires Shaina’s commitment: Hindi pala s’ya kumakain ng karne

Dec 22, 2020

Must-see ang pelikulang Tagpuan na pinagbibidahan nina Iza Calzado, Shaina Magdayao at Alfred Vargas na mahuhusay na mga artista.

Isa pang kaabang-abang sa pelikula ay ang kuwento nito. Nagsanib-puwersa ang mahusay na direktor na si MacArthur Alejandre at ang batikang manunulat na si Ricky Lee upang buuin ang naturang pelikula na entry sa Metro Manila Film Festival.

Ilan sa mga hindi malilimutang obra ni direk Mac ay ang Amaya, Marimar Endless Love, Totoy Bato, Joaquin Bordado, Majika, Click, at Darna sa telebisyon, at sa pelikula naman ay ang mga box-office hits na tulad ng Ang Panday, Ang Panday 2, Captain Barbell, Lastikman, In Your Eyes, One True Love, I Will Always Love, Let The Love Begin, among others.

Ayon kay direk Mac, “I wanted a story about adults who have fallen in and out of love, or fighting for love after the romance has gone. Then Ricky Lee submitted a screenplay that is questioning and reflective. As it gives answers to questions, it opens up new dimensions to more questions. From the first draft, I knew Tagpuan‘ is a remarkable material.”

Samantala, hinangaan ni direk Mac ang maituturing na buwis-buhay na eksena ni Shaina sa pelikulang Tagpuan.

Sa isang eksena kasi na kinunan sa Temple Road sa Hong Kong sa China, nagdi-dinner sina Shaina (as Tanya) at Alfred (na gumaganap naman bilang lead male character na si Allan).

Sa naturang eksena, habang nag-uusap sina Tanya at Allan ay kumakain sila, at ang nakahain sa mesa sa naturang restaurant kung saan kinunan ang eksena ay roasted goose.

Isang sikat, masarap at mamahaling delicacy o dish ang roasted goose sa China.

Tuluy-tuloy na kinunan ni direk Mac ang naturang eksena nina Shaina at Alfred; kain, usap, kain, usap ang dalawa, mahaba raw ang naturang eksena.

Natapos naman nang matiwasay ang eksena. Hanggang sa sumunod na araw, nakarating kay direk Mac, na ikinagulat niya nang husto, na sinamaan ng pakiramdam at sumakit ang tiyan ni Shaina matapos kunan ang nabanggit na eksena.

Iyon pala ay hindi kumakain ng karne si Shaina, sa loob na ng mahigit apat na taon!

Sa madaling salita, isang vegetarian si Shaina, kaya puro gulay lamang kinakain ng aktres.

Panay ang puri ni direk Mac, may halong pagka-guilty, dahil ni hindi nagreklamo si Shaina o tumanggi na kainin ang roast goose na inihain sa kanya.

Bilang isang tunay na alagad ng sining at bilang isang mahusay na aktres, ginawa ni Shaina ang eksena kahit hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya kapag kumain siya ng karne.

Kaya naman hinangaan ni direk Mac si Shaina sa dedikasyon nito sa kanyang trabaho.

Biro nga ni direk Mac, kung alam lang niya, sana ay chopsuey ang ipinakain niya kay Shaina.

“It’s an example of commitment! Ni Hindi niya kami dinistorbo, na hindi pala siya kumakain ng karne, in-assume niya na bahagi iyon ng kanyang karakter bilang si Tanya.

“Sumunod siya kahit alam niya na maba-violate ang sistema niya sa pagkain niya ng roast goose. Ginawa niya kahit namumutla siya noong pumunta siya sa set the next day!

“Iyon ang example ko ng commitment,” pahayag pa ni direk Mac.

Bukod kay Shaina ay all-praises din si direk Mac sa isa pang leading lady ng Tagpuan na si Iza at sa male lead ng pelikula at tumatayo ring producer (thru his Alternative Vision Cinemas) ng pelikula na si Alfred na isa ring Congressman sa 5th District ng Quezon City.

Speaking of Alfred, nasa bucket list nito bilang producer ang makapag-shoot sa New York sa Amerika na isa sa magagandang lokasyon ng Tagpuan.

“Mahirap siya, logistically speaking, pero ako, masaya kasi dream come true sa akin ang makapag-shoot sa New York and nagkatotoo naman.

“Hindi kami nag-shoot in the usual tourist spots, so hindi tayo makakakita rito ng Empire State Building, Statue of Liberty.

“Nag-shoot kami sa streets of Manhattan, sa Brooklyn, at saka sa New York Chinatown. It’s very, very interesting, ang sarap, ang sarap mag-shoot din.

“Ang sarap din mag-shoot sa Hong Kong.”

May mga eksena rin ang Tagpuan na kinunan sa Hong Kong sa China.

“Ang challenge lang kasi when we shot in Hong Kong, ‘yun ‘yung mga nasa kalagitnaan ng protest [pero] kasi organized naman doon sa Hong Kong and natapos namin ang shoot without any problems.”

All-praises si Alfred sa direktor nila.

”Direk Mac is one of the most brilliant directors I have ever worked with. He’s definitely up there in his generation of filmmakers.

“Direk Mac has both the heart and the mind as his strengths. He follows his gut and always has a clear understanding of the emotions of the film. He’s definitely the actors’ director.

“He will make sure to get the best out of you as an actor. He’s easy to trust especially during very difficult scenes. And most importantly, you can feel much he loves filmmaking it rubs into you as well.”

Unang kasali sana sa Metro Manila Summer Film Festival 2020 pero hindi ito natuloy dahil sa pandemya, pero ngayong December 25, sa wakas ay mapapanood na ang Tagpuan bilang isa nga sa mga MMFF film entries na mapapanood sa buong mundo online via upstream.ph

Maaaring makakuha ng tickets para sa Tagpuan sa https://www.gmovies.ph/content/vod/tagpuan/5fc598b4f2997b0347425b92?lang=en

Leave a comment