June 9, 2025
Director Peque Gallaga backs talents complaints against Cathy Garcia-Molina
Faces and Places Latest Articles

Director Peque Gallaga backs talents complaints against Cathy Garcia-Molina

Jan 4, 2016

by PSR News Bureau
Peque GallagaUmalma ang isang cast member ng defunct na teleseryeng “Forevermore” matapos nitong mag-rant sa Facebook kung saan sinabi nito ang pangmamaltrato umano ng direktor ng palabas na si Cathy Garcia-Molina sa mga ‘bit players’ o ekstra na katulad ng complainant. Kamakailan nga ay nakahanap ng kakampi ang nagreklamong ‘bit player’ sa katauhan ng beteranong direktor na si Peque Gallaga.

Gaya ng ibang nakabasa ng nasabing rant sa Facebook, nag-share din ng nasabing post ang premyadong direktor ng post ni Rossellyn Domingo noong December 31, humihingi ito ng paumanhin sa nangyari sa set ng “Forevermore.” Ginampanan ni Domingo ang papel ni Celia sa teleserye at inirekumenda niya ang kanyang nobyo na si Alvin Campomanes, isang academician University of the Philippines, para gampanan nito ang papel ni Makoy [isang minor role] sa nasabing serye nang hindi maging available ang aktor na dapat ay gumanap sa nasabing papel.

Sumulat si Campomanes sa pamunuan ng ABS-CBN na si Cory Vidanes at idinetalye nito kung paano siya munura-mura ni direk Cathy Molina nang hindi umano niya nagawa ng tama ang ipinapagawa nito sa kanya. Sinamahan ng nasabing sulat ni Campomanes ang Facebook post ni Domingo.

Peque Gallaga 1Matapos isalaysay ang reklamo ng kanyang nobyo sa isa sa mga boss ng nasabing network na hindi na umano pinangalanan, sumagot ito na “kilala diumano si Garcia-Molina bilang palamura sa set,” isang paraan daw ito upang matanggal ang ‘stress’ nang direktor sa trabaho. Ipinahiya diumano siya ni Garcia-Molina ganun din ang talent coordinator na si John Leonardo at isang nagngangalang Ms. Jeng. Nag-demand si Campomanes na bigyan silang tatlo ng disciplinary action.

“Sharing. Let the power of social media unearth these pathological bullies. And, of course, ABS-CBN didn’t lift a finger to help, or even address the issue,” sabi naman ng direktor na si Peque Gallaga kaugnay ng nasbaing issue gamit ang sariling social media page niya bilang “Nelson Bakunawa.”

cathyHindi naman nag-deny si Garcia-Molina na naging masungit nga ito kapag nauubos na ang kanyang pasensiya at pagod na sa set. Kilala si Garcia-Molina bilang isang box-office director na may hawak ng record bilang highest grossing Filipino film of all time na “A Second Chance.” Hanggang sa mga sandaling ito ay wala pang naririnig na pahayag tungkol sa isyu ang direktor. Si Domingo naman ay umaasa pa ring makatatanggap ng paumanihin tungkol sa nasabing insidente.

Pinanigan naman ng isang journalist na nag-aartista rin na si Joel Saracho ang direktor. Sabi nito, kamalian ito ng talent coordinator. Dapat daw ay hindi ito nag-cast ng isang baguhan na walang anumang acting experience. “Siyempre hindi alam ng director yun. Ang alam ng director, pag talent ka at humarap ka sa camera, binabayaran ka para umarte,” paliwanag ni Saracho. “Yung talent providers, sana mag-organize ng workshops at training sa mga talents na ibinibigay nila. Sana magkaroon ng listahan ng accredited talent providers at roster of talents. Yung may pagsasanay mula sa pag-arte, pagbibihis ng sarili, pagme-makeup.”

Pero hindi siya sumasang-ayon na minumura ang mga talents na gaya niya ng mga direktor. Totoo ang mga napanood sa pelikulang “Ekstra” ni Vilma Santos noon. Mayroon din naman daw siyang naging karanasan na hindi maganda sa ibang mga nakatrabaho na niya dati. “Sa aming mga talents, tanging si direk Jeffrey Jeturian lang ang nakitaan kong tao kami kung ituringat hindi basura…kaya mabuhay ka direk Jeffrey at sana ay pagpalain ng poong maykapal.”

Leave a comment

Leave a Reply