
Director Ralston Jover talks about his new movie “Da Dog Show”
Si Ralston Jover ay ang internationally award-winning director ng “Bakal Boys” na binansagang ‘most awarded film’ noong 2009. Siya rin ang award-winning screenwriter ng “Kubrador,”“Foster Child,” “Manoro,” “Tirador” at marami pang iba. Hindi rin matatawaran ang kanyang achievements dahil nakakuha siya ng full scholarship sa Torino Script and Pitch Lab kung saan lalo pang nahasa ang kanyang galing sa pagsusulat ng iskrip by international standards.
Sa mga international film festivals din abroad, napansin ng German producer na si Sven Schnell ang kanyang mga pelikula kung saan nabigyan siya ng grant sa Cine Fundacion na kapuri-puri para sa isang Pinoy filmmaker of his stature.
Ngayon, muli na naman niya tayong pabibilibin sa kanyang pinakabagong obrang “Da Dog Show” na kalahok sa Asian Skies division ng 2nd World Premieres Film Festival sa bansa.
Ayon kay Direk Ralston ng makausap ng Philippine Showbiz Republic (PSR), ang “Da Dog Show” ang pinakamahirap na pelikulang nagawa niya in his entire career.
“Five years siya in the making. Noong 2010, sinimulan namin siya with Joonee Gamboa as the lead actor, pero along the way, we run out of funds. Tapos iyong mga dogs na sina Habagat at Bagwis, namatay sila so we have to replace them with other dogs. Yung si Princess na napanood sa “Bwakaw,” isa siya sa naging replacement [dog] but we have to dye her para hindi siya ma-recognize,” kuwento niya.
Noong ni-resume nila ang shoot after makakuha ng grant at producer noong 2013, sumailalim muna siya sa intensive workshops at pitching sessions sa Sweden, France at Italy para lamang sa script development ng “Da Dog Show.”
“Mahirap siyang isulat kasi noong una, it was only based doon sa documentary ni Howie Severino. Pero noong nagre-research na ako at nakilala ko iyong tototong Sergio, nadagdagan ang back story niya, so I have to undergo several drafts dahil nakasama na iyong karakter noong anak niyang si Celia played by Mercedes Cabral na isang retarded,” dagdag niyang pahayag.
Dugtong pa niya, bukod sa pagbabago sa lead actor, isa pa sa mga hurdles rin niya ay kung paano kukunan ang mga aso sa pelikula.
“At first, we were relying on Mang Sergio pero we really have to hire dog trainors. Kasi kailangan nila ang obedience training na hindi namin magagawa on our own para maging smooth-sailing ang shoot,” pakli niya. “Noong nag-resume kasi kami, busy na si Joonee Gamboa sa teleserye niya so we have to replace him with an equally good and tested thespian , so we came up with Lou Veloso,” pagtatapos niya.
Para makadagdag sa double at contrasting effect ng pelikula, minabuti rin ni Direk Ralston na ilipat ang setting ng pelikula from Baseco sa isang sementeryo sa Manila kung saan naninirahan ang ilang maralita sa lungsod.
Ang “Da Dog Show” ay tungkol sa pakikibaka ni Sergio, isang dog trainor at ng kanyang pamilya sa kagubatan ng lungsod.
Para kay Direk Ralston, ang dog show na ipinapakita sa pelikula ay isa lamang metaphor kung saan ang pamilya ay kumakatawan sa totoong estado ng maralitang Pinoy na nakikibaka sa pagdarahop tulad ng isang aso.
Tampok sa “Da Dog Show” sina Lou Veloso, Mercedes Cabral at Micko Laurente.