May 22, 2025
Direk Arlyn dela Cruz has always been positive about life
Latest Articles Rodelistic

Direk Arlyn dela Cruz has always been positive about life

Sep 27, 2016

Naawa kami, nalungkot at natuwa nang malaman namin na habang ginagawa pala ng kaibigang Arlyn dela Cruz ang pelikulang “Pusit” ni Jay Manalo ay may napakabigat siyang pasanin sa buhay.

Naawa kami sa kuwento niya na habang tinatapos niya ang pelikula ay nasa stage 3 na pala ang kaniyang colon cancer. Kasabay ng paggiling ng kamera ay siya namang paglala ng kaniyang karamdaman.

21336_10151692064741113_1980839453_n

Nalungkot naman dahil habang isinasalaysay niya  sa presscon ng kaniyang pelikula ang mga pinagdaanan niyang hirap sa malubhang sakit na kaniyang nilabanan na kahit malala ito ay hindi siya nakitaan ng kawalang pag-asa at pagkabigo.

Nakatutuwa ang isang tulad ni Direk Arlyn na isang halimbawa ng tunay na katatagan at tagumpay . Dapat siyang pamarisan sa kaniyang katapangan na hindi sumuko sa hamon at lupit ng buhay.

Sa mga babaeng tulad niya, ay saludo kami at  sana ay maging inspirasyon siya sa mga taong nawawalan ng pag-asa. Ginawa niyang positibo ang paligid niya sa isang bagay na puwedeng kumitil sa kaniyang buhay.

Marahil nagawa ito ng batikan ding mamamahayag dahil sa tiwala niya sa kaniyang sarili at paniniwala sa nasa Itaas. Idagdag pa rito ang pagsuporta ng kaniyang mga mahal sa buhay lalo na ang kaniyang mga anak na dahilan ng kaniyang patuloy na paghinga at pakikipagbaka sa mundong ito.

Balita namin sa kaniyang natapos na pelikula, sabi ng direktor, ayaw  nang maghubad o magpasexy sa pelikula ang lead star ng “Pusit” na si Jay  Manalo kahit in good shape , at matikas pa rin ang pangangatawan niya hanggang ngayon.

t0616arlyn-dela-cruz1

Katwiran daw kasi ng aktor, puwede nang  ipaubaya sa mga bata ang pagpapa-sexy at pagpapakita ng katawan sa pelikula. Sa pelikula , si Jay ay  isang ladlad na bading na nagkaroon ng sakit na aids.

Dito sa pelikula ay muling ipinamalas ng aktor ang galing nya sa pag arte. Marami nang nagawang pelikula tungkol sa ganitong klase ng kwento.

Dagdag pa, dito ay pilit pa ring ipinapaunawa at pinapaintindi na dapat pagmalasakitan  ang mga taong may sakit na aids. Hindi raw sila dapat katakutan dahil kailangan nila ng karamay at pagmamahal.

Malapit nang mapanood ang “Pusit” sa mga sinehan.

Leave a comment