May 23, 2025
Direk Brillante showcases new masterpiece alongside Asian, European filmmakers
Latest Articles

Direk Brillante showcases new masterpiece alongside Asian, European filmmakers

Mar 16, 2017

Pagkatapos panalunin si Jaclyn Jose bilang best actress sa 2016 Cannes Film Festival, muli na namang magpapakitang-gilas ang multi-awarded at internationally acclaimed director na si Brillante Mendoza sa kanyang pinakabagong obra: ang Shinuma (Dead Horse).

Ang nasabing pelikula ay ipinalabas sa 2016 Tokyo International Film Festival sa kategoryang Asian Three-Fold Mirror.

Ito ay bahagi ng trilogy na “Reflections” na sumasalamin sa mga kuwento at kultura ng mga Asyano.

Ayon kay Direk Brillante, isang malaking karangalan ang mapabilang sa mga direktor na isho-showcase ang mga obra sa Tokyo International Film Festival.

“It was funded by the Japan Foundation Asia Center and the Tokyo International Film Festival. I was given the full creative freedom of the story of my choice na gusto kong i-present. So I thought of the story of an undocumented OFW na na-interview ko sa Japan when I was there and they gave a go signal for me to do it,” aniya.

Dagdag pa ni Direk Brillante, kahit nanalo na sa iba’t-ibang prestihiyosong international filmfests ang kanyang mga pelikula, hindi rin big deal para sa kanya to share the limelight with fellow directors sa “Reflections.”

“Actually, iyon naman talaga ang focus ng Asian Three-Fold Mirror tulad ng ibang film festivals, na pagsama-samahin ang mga filmmaker from Asia and Europe dahil iyon namang mga filmmaker na ipini-feature nila ay may na-establish nang filmography at kilala na ang body of works,” paliwanag niya.

First time din ni Direk Brillante na makapag-shoot ng pelikula sa ibang bansa.

“Dalawa ang settings niya. Iyong isa kinunan sa Pampanga. Iyong iba sa Hokkaido sa Japan. Ang pinakang hurdle namin sa Japan ay iyong sobrang lamig habang kami ay nagsho-shoot at nagkaroon din ng aberya sa flight namin dahil sa weather noon. So far naman, pareho namang professional na katrabaho ang mga Pinoy and even iyong mga Japanese,” pagbabalik-tanaw niya.

Unique ang title ng pelikula dahil ito ay halaw sa isang Japanese term.

lou-velose-in-shinuma

“Literally, kasi, Shinuma in Japan means ‘walang silbi’. It’s an expression na minsan sinasabi na, “walang kuwenta iyan.” Bale, isang klase siya ng paghahambing sa karakter ni Manny, iyong main protagonist sa “Shinuma” sa isang wornout horse,” sey niya.

Ang Shinuma ay kuwento ni Manny, isang illegal Pinoy immigrant o TNT sa Japan na nagtratrabaho sa kuwadra ng mga kabayo sa loob ng 30 taon.

Nang siya ay masukol at matiklo ng immigration, ipina-deport siya sa Pilipinas.

Sa kanyang pagbabalik,doon niya napagtanto na wala na pala siyang babalikang lugar o oportunidad  sa sariling bayan.

Tampok ang veteran stage, TV at movie actor na si Lou Veloso sa mapanghamong papel ni Manny.

Ang iba pang mga pelikulang bumubuo ng trilogy at tampok sa “Reflections” ay ang “Pigeon” ni Isao Yukisada at “Beyond the Bridge” ni Sotho Kulikar.

Ang “Shinuma” (Dead Horse) ni Brillante Mendoza ay nagkaroon ng Philippine premiere sa 3rd Sinag Maynila film festival.

 

Leave a comment