
Direk Danielle reels agoraphobia over Cinema One Originals
MAY entry’ng short film ang baguhang direktor na si Danielle Chuatico sa Cinema One Originals na “Outside” na siya rin ang sumulat. Ipapalabas ito simula sa Biyernes, November 18 at 6:30pm sa Glorietta at sa mga susunod na araw sa ilang selected Ayala malls.
Ayon kay Direk Danielle na isa ring animator, ang istorya ng kanyang pelikula ay tungkol sa isang babae na may agoraphobia, na ang ibig sabihin ay takot lumabas ng bahay. Kaya Outside ang title ng pelikula.
Balak din ni Direk Danielle na gumawa ng mainstream na pelikula. At given a chance, ang gusto niyang unang kunin ay si John Lloyd Cruz dahil idol niya raw ito at ng kanyang kapatid na babae. Si Direk Danielle ay nagtapos ng film making sa De La Salle College of St. Benilde.