May 22, 2025
Direk Francis Doble Binigyan ng Chance ni Direk William Mayo na Magdirek ng Pelikula
Home Page Slider Latest Articles

Direk Francis Doble Binigyan ng Chance ni Direk William Mayo na Magdirek ng Pelikula

Apr 15, 2016
Rommel_Placente
by Rommel Placente
francis doble
Photo sent by Rommel Placente
Sa panayam namin kay Direk Francis, ikinwento niya kung paano siyang kinuhang assistant director ni Direk William.
“Friends kasi kami sa Facebook. Tapos nakikita niya ‘yung mga pictures ng mga stage plays na pino-post ko dun.  Pinapunta niya ako sa office niya,nag-meeting kami. Sabi niya ikaw ang gagawin kong AD (assistant director).  Sabi ko “Direk, bago pa lang ako, Sabi niya,kaya mo ‘yan,?”sabi ni Direk Francis
direk william
Photo sent by Rommel Placente

Sobrang masaya si Direk Francis na matutupad na ang long-tine dream niya na magdirek ng isang pelikula.

“Bata pa lang ako, pangarap ko na talaga ang maging isang director sa pelikula. ‘Yung mga kapatid ko, pinapaarte ko rati tapos ako kunwari yung director nila,” aniya pa
 “Isang malaking karangalan na dumating sa buhay ko si Direk William na siyang tumupad sa pangarap ko. Na kahit hindi naman talaga ako direktor sa pelikula ay kinuha niya ako bilang kanyang assistant director. Kaya nagpapasalamat talaga ako ng malaki sa kanya sa tiwalang ibinigay niya sa akin,”

Leave a comment

Leave a Reply