
Direk Jason Paul Laxamana on taking risk: I want to make a sci-fi film with pinoy sensibilities
First time na sumali ng acclaimed filmmaker na si Jason Paul Laxamana (Babagwa, Magka-kabaung, Mercury Is Mine, Ang Taba Ko Kasi, The Third Party, Love is Blind, Pwera Usog) sa ToFarm Film Festival.
First time na sumali ng acclaimed filmmaker na si Jason Paul Laxamana (Babagwa, Magka-kabaung, Mercury Is Mine, Ang Taba Ko Kasi, The Third Party, Love is Blind, Pwera Usog) sa ToFarm Film Festival.
“Mahilig naman talaga akong gumawa ng film. To tell stories in whatever platform available so grinab ko iyong opportunity to tell stories. Minsan nasa Cinemalaya, Cine Filipino at ngayon nga ay sa ToFarm,” pambungad niya.
Ayon pa kay Direk Jason, ang konsepto ng kanyang entry sa 2nd ToFarm Film Festival ay ilang taon na niyang inalagaan.
“Mga 2012 to 2013 pa siya. Nag-iisip ako ng puwede kong i-submit so ni-review ko ang mga past works ko. Tapos, nakita ko ito, iyong akma dahil may tema siya ng agriculture,” sey niya.
Kakaiba at kaabang-abang ang kanyang entry dahil first time din para sa prestihiyosong ToFarm Filmfest na magkaroon ng science fiction.
“Sci-fi ang genre niya pero hindi siya iyong tipong Hollywood na heavy sa effects. It’s conceptual sci-fi or a few years in the future at iyong implications niya sa Filipino society. It’s not a cautionary tale but a ‘what if’ scenario na baka applicable rin sa current,” bida niya.
Risk taker din si Direk Jason as a filmmaker dahil sa pagsubok niya ng ibang genre.
“I like high concept. I think Philippine cinema lacks high-concept materials. I want to make a sci-fi film with Pinoy sensibilities, so I’m taking the challenge,” paliwanag niya.
Ang entry niyang “Instalado” ay isang coined word mula sa salitang “install”.
“A few years into the future, ito ay kuwento ng isang farmer na gustong kumawala sa inevitable future na magiging farmer din siya. Ito ay iyong panahong ang knowledge or education, puwede nang ma-install sa utak to equip people with skills, but it comes with a high price. Masyado siyang mahal where only the rich can afford to be educated. Instalado iyong tawag sa nagpa-install. Para siyang status symbol kung saan sila ang preferred na hina-hire (sa trabaho) ng big companies,” deklara niya.
Ang “Instalado” ay kukunan sa kanyang bayan sa Porac, Pampanga kung saan siya lumaki at nagkaisip.
Ang “Instalado” na kalahok sa 2nd ToFarm Film Festival ay idaraos sa Hulyo ngayong taon. Ito ay isang brainchild ni Mrs. Milagros How, Tofarm Chief Advocate at Executive Vice President ng Universal Harvester, Inc. with Direk Maryo J. Delos Reyes as Festival Director.
Si Direk Jason din ang director ng “Pwera Usog” ng Regal Films, ang kanyang kauna-unahang horror film na mapapanood na simula sa Marso 8
Siya rin ang isa sa mga tagapagtaguyod ng taunang CineKabalen Film Festival sa Pampanga at karatig na lugar na layuning isulong at palaganapin ang wika at kulturang Kapampangan sa bansa.
Noong nakaraang taon, pinarangalan din siya bilang Most Outstanding Kapampangan ng kanyang mga Kabalen sa larangan ng sining.