
Direk Mac Alejandre sees a more mature Richard (Gutierrez) in “Panday”
by Archie Liao

Happy si Direk Mac Alejandre dahil reunited siya kay Richard Gutierrez na isa sa mga paborito niyang actor na naidirehe na niya noon sa kabilang network.
Ano ang pagbabagong nakita mo kay Richard ngayon kumpara noong nakatrabaho mo siya sa GMA-7?
“Kahit naman noon, Richard has been a smart and conscientious actor. He is a well-rounded person, kahit pa noong nagkatrabaho kami sa “Click” in his teen years. Through the years, umandar ang buhay niya. Marami siyang pinagdaanan, maraming kaligayahan at hindi masyado at kung anuman ang kanyang mga naging karanasan, nakatulong iyon para maging puno at buo siya hindi lang bilang tao kundi bilang artist. Kung gaano siya ka-smart at ka-conscientious noon, mas higit pa ngayon dahil naitutulak ito ng mga naging karanasan niya that make him not only a better person but also a better actor. So, mas mature na siya ngayon”, kuwento ni Direk Mac.
Matagal ding nawala si Richard sa limelight. Sa palagay mo ba, tamang comeback vehicle sa kanyang pagbabalik ang “Panday”?
“Hindi naman totally na nawala siya kasi sa pagkakaalam ko, meron siyang show with his family sa cable. Of course, Panday will always be Panday. An iconic character will always be an iconic character. Richard will put his own stamp, his own personality and his own being sa bagong “Panday”.
Ano ang mga hamon na hinarap mo sa paggawa ng bagong “Panday”?
“Dahil nagawa na siya ng maraming beses dati,. ako mismo, dalawang beses ko na siyang nagawa sa pelikula. The challenge is not only to make it more different but better. Ang hirap laging nandiyan lalo na pagdating sa produksyon. It is how to handle the challenges to have a product better than the way you envision it”.
Paano mo ginawa na kakaiba ang bagong “Panday” para maging ka-engga-enggayo sa mga manonood?
“Without pre-empting the show, may pangkasalukuyan siya. May element ng past and present na kakaiba sa ibang mga bersyon na nagawa na”, pagwawakas niya.

Honored si Direk Mac dahil sa kanya ipinagkatiwala ng mag-asawang Carlo J. Caparas at Donna Villa at Boss Vic del Rosario ng Viva Films at ng TV5 ang pagdidirehe ng “Panday”.
Powerhouse cast ang “Panday” dahil bukod kay Richard, tampok din dito sina Christopher de Leon, Jasmine Curtis-Smith, Sam Pinto, Bangs Garcia, Regine Tolentino, Alonzo Muhlach, Epy Quizon, CJ Caparas, Ranz of Chicser, Ara Mina, John Regala, Empoy at maraming iba pa.
Ang “Panday” ay mapapanood na sa primetime sa Pebrero 29 sa TV 5.
For your comments/reactions write to artzy02@yahoo.com