
Direk Mike Tuviera believes Alden and Maine are meant for each other
By Archie Liao
Bago pa man ipinanganak ang Aldub love team ay napabalita na noong may gagawing proyekto sina Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith pero dahil naging hit ang kalyeserye ng Pambansang Bae at ng Dubsmash Queen na si Maine Mendoza ay nagkaroon ng bagong bihis ang nasabing proyekto.
“Naniniwala talaga ako that everything has its own time and place. Iyong project na iyon, I love that still. I love the script pero bagay lang talaga iyon for a particular actor. May mga projects kasi na binabagayan. Before we stop that project, we realized that we need more ideas and more stories. We had script readings and I wasn’t really sure if she really accepted it. Jas has no official knowledge kung sino ba talaga ang makakasama niya sa pelikula”, paliwanag ni Direk Mike.
Ayon pa sa award-winning director ng Cinemalaya movie na “The Janitor”, masinsinan niyang kinausap si Jasmine tungkol sa proyekto at ito naman ay naintindihan ng award-winning actress.
Nilinaw din niya na walang sulutang nangyari sa pagitan nina Maine at Jasmine dahil never na sinulot ni Maine ang proyekto kay Jasmine.
Katunayan, naging maayos ang naging pag-uusap nila ng kampo ni Jasmine kaya pumayag ito na lumabas sa launching movie ng phenomenal love team: ang “Imagine You and Me”.
“Iyong “Imagine You and Me” is a dream cast for me. Sabi ko nga, I would be blessed if I would do it”, aniya.
Inamin din ni Direk na ang ideya ng pelikula ay nanggaling sa kanyang amang si Tony Tuviera, ang producer ng APT Entertainment at ng longest running noontime variety show na “Eat Bulaga”.
“Pangarap talaga ng ama ko na makagawa ng pelikula na shot in Italy and we also owe it to the fans of Aldub. A project that we can really be proud of. Something that deserves to be a phenomenon”, esplika niya.
Nilinaw din niya na walang “bad blood’ na namagitan kina Maine at Jasmine habang ginagawa ang pelikula.
Si Jasmine ay gumaganap na close friend ni ni Maine sa pelikula.
Puring-puri rin ni Direk Mike ang dedikasyon nina Alden at Maine sa kanilang mga trabaho.
“Kung anuman ang meron sila ngayon, I think they deserve it kasi they’re very hardworking and passionate to their craft”, ani Direk Mike.
Dahil dumating na ang tamang panahon, naniniwala rin si Direk Mike na ang “Imagine You and Me” ang tamang proyekto para sa isang launching movie ng phenomenal love team.
Sinadya rin niyang hindi isama ang ibang miyembro ng cast ng kalyeserye para maging ‘movie’ talaga ito nina Alden at Maine.
On and off screen, nakita ni Direk ang spark at chemistry ng dalawa.
“I think, they are destined for each other”, pagwawakas niya.
Ang “Imagine You and Me” ay kuwento ng dalawang kaluluwang magkaiba ang mundo na pinagbuklod ng pag-ibig.
Tampok ang kilig na tambalan nina Alden at Maine, kasama rin dito sina Kakai Bautista, Cai Cortez, Irma Adlawan at Jasmine Curtis-Smith.
Ito ay mapapanood na sa lahat ng mga sinehan sa buong bansa simula sa Hulyo 13 bilang pang-anibersaryong handog ng tambalang Aldub sa kanilang mga tagapagtangkilik.
For your comments/reactions write to artzy02@yahoo.com.