May 23, 2025
“I am so disappointed with the Philippine government that I am contemplating on packing my bags soon to leave the country for good.” –Robin Padilla
Latest Articles

“I am so disappointed with the Philippine government that I am contemplating on packing my bags soon to leave the country for good.” –Robin Padilla

Mar 13, 2015

Antazo PSR pic
by Mary Rose G. Antazo

Balitang magkakaroon ng sariling press conference si Robin Padilla hinggil sa kontrobersyal niyang post sa Instagram na lalayasan na niya ang bansang Pilipinas dahil sa pagkadismaya sa sistema ng pamahalaan at hustisya ng ating bansa.

Ang pagpayag ng Quezon City Regional Trial Court na magpiyansa ng P11.6 million ang Maguindanao Massacre suspect na si former Maguindanao officer-in-charge Sajid Islam Ampatuan para sa pansamantalang kalayaan nito ang dahilan ng disappointment ng aktor.

Bahagi ng kanyang post ay: “Tunay po na wala ng naghaharing batas sa Inang Bayan Pilipinas, tunay po na walang piring ang mata ng hustisya, tunay po na walang ipin ang gobyerno sa mga makapangyarihang Tao… …I am leaving the Motherland ASAP, I am sorry gentlemen and women of the Katipunan, no room for change in this country, all this I cannot bear to witness any longer.
Kaya sa presscon ng bago niyang endorsement na Ascof Lagundi ay itinanong sa kanya kung seryoso ba siya sa naging pahayag niyang ito.

asdfasdfa

“Tsaka na natin pag-usapan ang tungkol diyan kasi sa ngayon, ayoko naman kainin ng panahon ang ating Pascual Laboratories presscon na hindi ganang akin. Ito ang bida dito. Ayoko munang pag-usapan ang personal ko.

Pero sinagot pa rin niya ang tanong…

“Pero isa lang ang sasabihin ko sa ‘yo, hindi ako magpo-post ng isang bagay na hindi ako seryoso. “Yun lang po. Tapusin muna natin dun,” makabuluhang sagot niya.

Ngayon ay hinihintay ng press ang ipatatawag na press conference ni Robin para ibigay ang kanyang panig hinggil sa pagnanais na umalis ng bansa.

Samantala, isa si Robin sa natuwa sa pagbabalik ng Megastar Sharon Cuneta sa Kapamilya network at willing daw itong makatrabahong muli si Mega at gusto niyang sa abroad nila gawin ang nasabing pelikula.

Follow me…

social networkingMary Rose G. Antazo
@maryroseantazo
/balot9

Leave a comment

Leave a Reply